LGUs inutusang magpasa ng ordinansa vs diskriminasyon sa frontliners
NAG-ISYU ng statement ang Inter-Agency Task Force para kumbinsihin ang mga local government units na magpasa ng mga ordinansang magbibigay proteksyon sa mga frontliners sa gitna ng mga balitang pag-atake at diskriminasyon sa kanila.
Sa briefing ng IATF, kinondena nila ang ilang balitang discrimination laban sa mga health workers, OFWs, at maging sa mga may kaso ng COVID-19, tulad ng mga patients under investigation at persons under monitoring.
“Local government units are enjoined to issue the necessary executive orders and ordinances prohibiting and penalizing these discriminatory acts.” ani Cabinet Secretary Karlo Nograles.
Dagdag pa nya, ang diskriminasyon, coercion, libel, slander, physical injuries at maging ang hindi pagtupad sa mga contractual obligations tulad ng employment ay kakasuhan ng naayon sa batas.
Nauna nang kinondena ng Palasyo ang report ng pamamaril sa isang ambulance driver na inaakalang naghahatid ng pasyenteng may COVID-19.
Sa nationwide address ni Pangulong Duterte noong April 2, pinapahanap nya sa Philippine National Police ang mga nagsaboy ng bleach sa isang hospital employee. Ipinangako din nyang susuportahan at proprotektahan nya ang mga health workers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.