HUGAS-kamay si Pangulong Duterte sa ginagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation kay Pasig city Mayor Vico Sotto.
Sa kanyang public address Biyernes ng gabi, sinabi ni Duterte na wala siyang kinalaman sa ginagawa ng NBI na pag-iimbestiga sa alkalde.
“Isang beses lang ako nagsalita, nu’ng nag-proclaim ako ng emergency,” pahayag ni Duterte.
Aniya, wala siyang pakialam sa kung ano ang ginagawa ng bureau.
“Wala akong pakialam sa operation ng NBI.”
Ipinaliwanag niya na ang kanyang trabaho ay mag-set up ng polisiya na siya naman dapat sundin o gawin ng mga ahensiya gaya ng NBI.
“Trabaho ng pulis ‘yan,” aniya pa. “Wala na akong pakialam.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.