Mayor Joy nag-sorry sa pagpatol sa kritisismo sa social media
NAG-SORRY si Quezon City Mayor Joy Belmonte at inamin na mali ang ginawa nitong pagpatol sa mga kritisismo sa kanya sa social media.
“Kasabay ng paghahanap pa ng mga paraan para mas mapabuti ang aming serbisyo sa ating mga komunidad, nais ko rin pong hingin ang pagkakataong ito para humingi ng paumanhin sa inyo,” ani Belmonte.
Si Belmonte ay isa sa napuntirya ng kritisismo dahil sa mabagal umanong aksyon ng lokal na pamahalaan sa mga pangangailangan ng nasasakupan nito ngayong panahon ng Enhanced Community Quarantine.
“First, I sincerely apologize for losing my composure on social media. You are correct that all the projects implemented by the QC government belong to you, as they are funded by your taxes. When I was elected as Mayor, I was given the honor and privilege to serve all QC residents, regardless of political affiliation. Pero alam kong isang malaking pagkakamali na nakapag-post ako ng mga salitang taliwas dito. Inaamin ko po na nagkamali ako.”
Humingi rin si Belmonte ng paumanhin sa paggamit sa mga bag na natira noong kampanya sa mga relief goods na ipinamigay kamakailan.
“Second, I apologize for distributing health kits branded with “Joy Para Sa Bayan”. While it is true that my team used leftover donated bags from the previous campaign and that they were the most readily available bags on the first day of ECQ, it is clear that this was highly insensitive given the circumstances. Inaamin ko po na nagkamali ako.”
Sinabi ni Belmonte na napagtanto niya na hindi ito ang ninais niyang maging klase ng lider ng lungsod.
“When I reflect on these actions, I do not recognize the public servant that I aspire to be. The citizens of Quezon City deserve better. I will do better.”
Sinabi ni Belmonte na mayroong misinformation campaign laban sa lokal na pamahalaan at ginagamit umano ang mga bayarang trolls.
“We appeal to everyone to please be very critical about what you read, like, or share. Huwag po tayong magpadala sa “fake news” at trolls. Sa halip na tumulong at makiisa sa lungsod para malampasan ang COVID-19, may mga taong sinasamantala ang krisis para sa kanilang pansariling interes. Napakarami na pong “fake news” na ikinakalat. Nais ko pong bigyang linaw ang ilan sa mga ito.”
Inihalimbawa ni Belmonte ang pagpapauwi umano ng city all ng tatlong pasyente na positibo sa coronavirus disease 2019 na kinuha mula sa ulat ng ABS-CBN na itinama na nito. Hindi umano ang nagpa-uwi sa mga pasyente kundi ang ospital.
“Sa katunayan, sinundo namin ang mga pasyenteng ito mula sa kanilang tahanan at inilipat sa aming Hope 1 facility.”
Hindi rin umano totoo na P2,500 ang halaga ng food pack na ipinamimigay ng city hall na mula sa ulat ng Manila Bulletin na kanila ng itinama.
“I am disheartened that whoever is funding this misinformation campaign has taken advantage of one of the most difficult times in our history to sow confusion, uncertainty, and distrust. They have chosen to create divisiveness at a time when we need to be most united against an invisible enemy that knows no bounds.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.