outbrain

Bashers sunog kay Sharon: Kayo po may naitulong na kahit 1 mask o alcohol?

By Ervin Santiago April 03,2020
share this

Bashers sunog kay Sharon: Kayo po may naitulong na kahit 1 mask o alcohol?

By Ervin Santiago April 03,2020
share this

SHARON CUNETA

“SUNOG” kay Sharon Cuneta ang ilang bashers na nagsabing wala silang nagagawang tulong para sa mga nangangailangan ngayong panahon ng krisis.

May mga netizens na nagtatanong kung may natulungan na ba ang asawa ni Megastar na si Sen. Kiko Pangilinan ngayong nananatiling naka-enhanced community quarantine ang bansa dahil sa COVID-19.

Ilang haters din ang nagkomento na tigilan na ng asawang senador ni Mega ang pagkontra sa ginagawang aksyon ng Duterte government para labanan ang killer virus at sa halip ay tumulong na lang sa publiko.

Pinupuna ni Sen. Kiko ang mga sablay ng gobyerno sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga Pinoy habang may lockdown kabilang na ang mabagal na distribusyon ng P275 billion emergency fund bilang cash assistance sa milyun-milyong Pilipino.

Hindi rin nagustuhan ng mister ni Sharon ang pagbabanta ni Pangulong Rodrigo Duterte na barilin at patayin kung kinakailangan ang lalabag sa mga utos ng gobyerno.

Tweet pa ni Kiko, “It is not red tape. It is the 2022 political campaign that is hampering the immediate distribution of relief to millions of poor families. 

“Mali na dahas o banta ng kaso ang isusukli sa kanilang karapatan at tungkuling papanagutin ang gobyerno.”

Comment ng netizen sana raw ay  tumulong din si Sharon, “Kung walang mahirap na pumila sa iyong mga movies, bumili ng plaka at cd’s mo ay walang Megastar ngayon. [heart emojis].”

Reply ng singer-actress, “Wala syang alam sa nga ginagawa ko kasi di ko pinapa alam kaya di nya fault.”

Tanong naman ng isa pa, “Ang asawa nyo nasaan? di ba po kami ang public at xa ang servant? Pero nasaan po xa. Buti pa po si

Angel (Locsin) maraming nagawa at pinost nyo pero asawa di nyo kaya ipost kasi walay di ba senador xa.”

Sagot ni Sharon sa kanya, “Ayun siya, tumutulong ng walang press release katulad naming lahat.”

Hirit pa niya, “Matanong ko lang po, may naitulong po kayo kahit isang mask o alcohol bottle lang?”

May netizen naman ang nag-repost ng mga ginagawang pagtulong ng panganay na anak ni Mega na si KC Concepcion.

 “Sana ganyan na lang din ang ginagawa ng asawa mo kesa magcriticize ng magcriticize sa government,” komento nito. Na sinagot ni Sharon ng, “Hindi kasi mahilig sa press release ang asawa ko. Lahat naman kami. Malalaman niyo din.”

“And sana puede magdasal na muna tayong lahat? Pagkatapos ng COVID sige bash lang.

“Pero sa ngayon di nakakatulong kahit isang iota ang mga tulad nyo na wala naman alam sa ginagawa ng asawa ko para makatulong,” buwelta pa ng singer-actress.

Marami namang netizens ang nagtanggol kay Mega at nagpayong hayaan na lang ang mga trolls at haters dahil sayang lang ang oras at energy niya sa pagpatol sa mga ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending