Likas na mamboboso | Bandera

Likas na mamboboso

Lito Bautista - August 09, 2013 - 07:00 AM

SAGLIT na natabunan ang malalaki at maiinit na isyu, na ang kawawa, tulad ng dati, ay mahihirap, nang pumutok ang pagniniig nina Chito Miranda ng bandang Parokya ni Edgar at aktres na si Neri Naig. Mahaba-habang minuto ang ginugol dito ng mga programa sa TV at radyo, kahit na hindi sila programa ng tsismis sa showbiz.

Kapag pumuputok ang ganitong balita ay agad na nagkukumahog ang marami na mapanood ito sa YouTube. Bakit nga ba? Likas sa Pinoy, lalo na ang mga barako, ang saglit na sumilip kapag bahagyang napabuyangyang ang babae na maputi, makinis ang balat at medyo maigsi ang palda habang sakay ng jeepney.

Ang mga nakapaldang umaakyat ng footbridge ay tinitingala ng mga vendor na nasa ibaba. Kahit sa malls, ang nasa itaas ng escalator na nakapalda ay tinitingala ng lalaking kasasampa lang. Ang taga-Tondo na unang nakarating sa Boracay ay nababalian ang leeg sa mapuputing singit at nganganga kapag ang dayuhang babae ay maghubad ng pang-itaas para maarawan habang nagbabasa sa simputing beach.

Ang paborito kong Taipan ay mahilig tumingin sa sexy legs ng mga babae, siyempre (bagaman minsan ay dinadaya ang kanyang paningin ng magandang legs ng bakla sa Hong Kong), dahil, para sa kanya, ay libre naman. Sa umpukan ng mga lalaking bagets, pinakamatamis marinig ang bulungang “boso, boso.” Tanggapin natin. Likas iyan sa ating lahi na nasalinan ng maraming lahi.

Marahil ay baguhin na ni Customs Commissioner Ruffy Biazon ang kanyang pasya na huwag ibenta ang nasamsam na napakaraming smuggled rice sa National Food Authority. Ayon sa Confederation of Grains Retailers Association (Grecon), tataas ang presyo ng bigas ng P5/kilo at higit pa sa commercial rice bago matapos ang buwan. Hindi umaapaw ang imbak na bigas sa mga bodega ng gobyerno at mga negosyante. Maraming bodega ng bigas sa Bulacan, lalo na sa Wecabu (Bocaue), ang halos basyo na. Hindi na rin mahaba ang pila ng mga 10-wheeler na nagkakahot ng bigas sa mga bodega sa Bulacan.

Maraming basahang mga politiko ang nagulat at naiinggit kay Manila Vice Mayor Isko Moreno. Puwede palang hindi “reserbang gulong” ang vice mayor. Araw-araw ang trabaho ni Moreno at kahapon ay halos siya ang nagdadala ng pag-uusap sa mga bus operators dahil tila napagod na si Erap, na nagmula pa sa may Rotonda at sinalubong alas-7 ng umaga ang nagpoprotestang mga lider ng mga kompanya ng bus. Itong natalong politikong taga-Sampaloc ay inggit na inggit kay Isko. Puwede naman palang sumikat ang bise at mas sumikat pa kesa mayor.

Inaayos ng MMDA ang biyahe ng provincial buses sa Metro Manila. Pero, ang biktima at pinahihirapan ay ang babae at matatandang pasahero.

MULA sa bayan (i-text sa 0917-8446769): Hindi puwede ang sistema ni Gen. Garbo sa NCRPO about Integrated Patrol System. Ang mga pulis diyan ay tamad at mahuhusay lang sa pangongotong. Dapat gamitan sila ng kamay na bakal.
Masipag ang pulis kung masipag ang hepe. Pag tamad ang hepe, tamad din ang pulis. Pag pera-pera ang hepe, pera-pera rin ang pulis. Retired PNP din ako rito sa Cebu City. Adrian Reyes

Kahit palitan ang lahat ng Customs collectors, hindi rin matitigil ang smuggling. Dito sa Cebu, ang mga collectors, CIIS, at Customs police yumayaman dahil automatic ang SOP. Sa labas ng Aduana, NBI, CIDG, RIID, PCG at Maritime Police. Kaya ang tuwid na daan ay hanggang Malacañang lang. …0427

Kaya po nagkakaroon ng holdapan at snatching ng mga nakamotor sa Makati ay dahil sa isinasagawang cluster formation ng Makati police, na nagaganap alas-7 hanggang alas-8 ng umaga at alas-7 hanggang alas-8 ng gabi at minsan ay lagpas pa sa alas-8. Dahil sa cluster formation, walang pulis sa mga kalye ng Makati. Pagkatapos ng cluster formation, uuwi na ang mga pulis at ang naiiwan lang sa presinto ay desk officer. …0050

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending