Taguig namahagi ng P4K tulong sa driver | Bandera

Taguig namahagi ng P4K tulong sa driver

- April 03, 2020 - 11:44 AM

 

NAGSIMULA nang makatanggap ngayong araw ng P4,000 na tulong pinansiyal ang mga driver ng tricycle, jeep, at pedicab ng Taguig mula sa lokal na pamahalaan.

Sa kalatas, umabot na sa 700 driver na kasapi ng mga grupong SUBTODAI, UBTODAI, BCBTTODA, UBTSA, MPC, at CBDCUBTODA ang nakatanggap na ng ayuda. Inaasahan namang mabibiyayaan din ang iba pang mga miyembro sa susunod na mga araw.

Mayroong humigit-kumulang 15,000 miyembro ang mga asosasyon ng mga tricycle, jeepney at pedicab drivers at operators sa siyudad.

Ayon sa lokal na pamahalaan, muling mamimigay sa susunod na buwan ng karagdagang P4,000 sa mga drivers na nawalan ng pinagkakakitaan dahil sa paglaganap ng Covid-19.

“Laking pasalamat namin sa tulong na ito mula sa Taguig City government. Malaking bagay dahil hindi lang isang buwan kundi dalawang buwan matutulungan kami at ang aming mga pamilya,” ani Arvin Penolio na presidente ng UBTODAI.

Ang ayuda ay hiwalay na tulong sa food packs at anti-Covid-19 kits na nauna nang ipinamahagi sa lungsod.

Napag-alaman na umabot na sa 104,612 food packs at 54,904 kits ang naipamigay na sa mga pamilyang Taguigeños.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending