Banat ni Alessandra sa haters: I did not kill anybody!
“SORRY na! I did not kill anybody!” Yan ang sagot ni Alessandra de Rossi sa basher na nakipagtarayan sa kanya tungkol sa ilang national issue na bumabalot sa COVID-19 crisis.
Isa si Alessandra sa mga artistang nagkomento sa gagawing imbestigasyon kay Pasig City Mayor Vico Sotto dahil sa paglabag nito sa kautusan ng national government sa gitna ng lockdown pati na sa kontrobersiyal “shoot them dead” statement ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Unang tweet ni Alex, “Yun na nga. Hayaan na sana si Vico. Magtiktok na lang kayo.”
Kinontra rin ng award-winning actress ang pahayag ni Duterte na barilin at patayin ang mga manlalaban sa gitna ng lockdown,
“Bat umabot na naman sa patayan? Di ba pwedeng batuhin nalang ng pancit canton, ganyan?”
Dahil dito, na-bash nang todo ang dalaga at tinawag pang “Dilawan,” na mortal na kalaban ng mga DDS, ang mga tagasuporta naman ng Pangulo.
Birong resbak naman ni Alessandra, “Wala sa akin yung pera, my gash! And im not makayellow! It’s my least favorite color! Im makaBAYAN. Wag ako! Wag ngayon! Toinks!”
Bukod dito, inakusahan din siya ng mga haters na isang “leftist.” Sabi ng netizen, “About sa leftist…problema Kasi d kau nanuod ng buong balita nkisawsaw lng ung mga kasamahan mong artista..oras Sana na magkaisa tayo ngayon.”
Banat ni Alessandra, “Paano tayo magkakaisa kung na-categorize mo na ako as artista? Ang hirap naman lumugar sa mundong ito. Ang mental health kooo [shocked emoji] chot!”
Minaliit din ng isang hater si Alex, “Comprehend first bago mag comment ganon!”
Dito mukhang hindi na kinaya ng aktres ang pakikipagtalakan sa netizens kaya nag-ala-Nora Aunor na lang siya sa kanyang huling banat, “Okay fine! Sorry na! I DID NOT KILL ANYBODY!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.