Agot sa banta ni Duterte: People are dying and you talk about shooting them dead?
MATAPANG na nagpahayag ng kanilang saloobin ang ilang celebrities sa naging banta ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa lalabag sa mga kautusan na may kinalaman sa enhanced community quarantine.
Ito’y matapos na arestuhin ng mga otoridad ang ilang residente sa Quezon City na nag-rally sa may North EDSA para ireklamo na wala pa rin silang natatanggap na ayuda mula sa panahalaan.
Sa muling pagharap ng Pangulo sa sambayanan kagabi kaugnay ng health crisis sa bansa sinabi nitong hindi niya hahayaang guluhin ng iilang indibidwal ang laban ng gobyerno kontra COVID-19.
“My orders are sa pulis, pati military, pati mga barangay na pagka-ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead,” warning ng Presidente.
Maraming umalma sa pagbabanta ng Pangulo kabilang na ang mga artista.
Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Agot Isidro na nakakagalit na ang nangyayari sa bansa.
“People are hungry. People are sick. People are dying. And you talk about shooting them dead???” tweet ng singer-actress.
Hirit pa niya, “It’s a fracking HEALTH CRISIS! Nakakagalit na.”
Maikli ngunit makahulugan din ang tweet ni Janine Gutierrez matapos mapakinggan ang maikling speech ni Digong. Aniya, “Well, that was……”
Komento naman ng kapatid ni Megan Young na si Lauren Young, “Takot na nga yung mga tao because of this virus. Their own government is depriving them of food, their officials are MIA [missing in action], one was parading about without following guidelines and you have the nerve to scare them even more with violence? WHY? How is that helpful?”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.