Brgy. captain pinagpapaliwanag sa pekeng listahan ng constituents | Bandera

Brgy. captain pinagpapaliwanag sa pekeng listahan ng constituents

Djan Magbanua - April 02, 2020 - 04:06 PM

PINAGPAPALIWANAG ngayon ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang isang barangay chairman ukol sa isyung merong ‘selective’ na pamamahagi ng relief packs.

Ayon sa post ng Manila Public Information Office, isang complaint ang inihain kay Barangay Chairman Reynaldo Angat sa Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team (MPD SMaRT) tungkol sa mga diumanoy pekeng listahan ng pangalan o constituents ng Barangay 251.

Ipinagutos ni Police Major Rosalino Ibay Jr., chief ng MPD SMaRT, na magpaliwanag si Angat kung bakit 29 katao na nakatira sa 1781 Almeda Street sa Tondo, Manila na nasa kanyang diumanoy listahan ay 29 ding magkakaibang pamilya.

Ayon kay Ibay, ang address ay isang private business na pagmamay-ari ng barangay chairman. Ang 29 katao ding ito ay napag-alamang mga ‘relatives’ at ‘connected workers’ sa establisimyento.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act No. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act, Republic Act No. 6713 o Code of Conduct and Ethical Standard for Public Official and Employees at Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corruption Practices Act si Angat.

 

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending