Danica Sotto dumepensa kay Mayor Vico; Tito Sen umalma sa NBI
SUPORTADO ng TV host-actress na si Danica Sotto-Pingris ang kanyang kapatid na si Mayor Vico Sotto sa lahat ng ginagawa nito para masiguro ang kaligtasan ng mga taga-Pasig sa gitna ng COVID-19 krisis.
Ayon kay Danica, hindi ito ang panahon para mag-away-away o magkontrahan, kailangang unahin muna ang kapakanan ng bawat Pilipino habang nakikipaglaban ang gobyerbo kontra COVID-19.
Nag-post si Danica sa Instagram ng mensahe niya para sa mga Pinoy at ipinagdiinan pa ang sinabi ng kapatid na si Vico na unahin munang gawin ang responsibilidad ng bawat isa para magtagumpay sa paglaban sa krisis.
“Alam natin lahat na ito yung panahon na dapat mas lalo tayong magtulungang mga Pilipino.
“PLEASE! Isipin nalang natin kung paano natin malalagpasan ang mga pagsubok natin ngayon. Gaya nga ng sabi ni Mayor @vicosotto , ‘Let’s just work.’
“Let’s continue to pray for our country and all our leaders. Kaya natin ito dahil din nandiyan si Lord Isipin nalang paano natin matutulungan ang bawat isa,” pahayag pa ni Danica. Anak ni Vic Sotto kay Dina Bonnevie habang si Vico naman at anak ni Bossing kay Coney Reyes.
Samantala, ipinagtanggol naman si Mayor Vico ng kanyang uncle na si Sen. Tito Sotto matapos ipatawag ng NBI para magpaliwanag sa umano’y paglabag nito sa ilang batas na ipinatutupad under enhanced community quarantine sa bansa.
Ani Tito Sen, “What are they talking about? Laws are never retroactive if detrimental to any accused.”
“NBI will be well advised to be cautious in their interpretation of the law I principally authored. Any so-called violation of RA 11469 can’t be retroactive!” lahad ng TV host-politician.
Dagdag pa niya, “If a local official has not violated any law, the DILG is the Dept that has jurisdiction over him. Not the DOJ! #&%@₱!?!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.