‘Angelica, kung sa impiyerno ka mapupunta sino’ng isasama mo sa 3 ex mo?’
MUKHANG imposible na ngang magkasama muli sa isang proyekto ang dating magdyowang sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino.
Mismong si Angelica na ang nagsabi na hindi na niya kayang makatrabaho si Carlo matapos ang mga nangyari sa kanila in the past.
Nagpa-question-and-answer session ang Hugot Queen saTwitter gamit ang hashtag na #AskAngge. Dito, sinagot niya ang ilang tanong mula sa kanyang followerrs.
Isa na nga rito ang hirit ng netizen na, “Kaya mo pa bang makasama sa isang project c Caloy angge?” Na ang tinutukoy nga ay si Carlo.
Diretsong tugon ni Angelica, “Hindi na. I wish him well. Pero hindi na.”
Ayon naman sa isa pang follower ni Angelica, gustung-gusto niyang mapanood muli ang aktres kasama si Carlo, “Namiss ko ng sobra yung G-mik. Willing po ba kayo mag reunion or kahit reunion pic man lang?”
“Hahahayst. Medyo imposible,” sagot naman ng aktres.
Maraming umasa noong muling magtambal sa pelikula sina Angelica at Carlo (Exes Baggage) na magkakabalikan pa sila pero hindi ito nagkatotoo dahil nagalit nga si Angelica kay Carlo matapos paasahin na pwede pang magkaroon ng part 2 ang kanilang love story.
May isa pang follower si Angelica na nagtanong ng, “Kung sa impyerno ka mapupunta, sino isasama mo? JLC, DR, o CA? #AskAngge PS: katuwaan lang po.” Ang tinutukoy niya ay sina Carlo (CA) John Lloyd Cruz (JLC) at Derek Ramsay (DR).
Sagot sa kanya ni Angelica, “Wala. Ayokong may kalabasan na hindi maganda sa mga buhay nila. I wish them happiness [smiley emoji].”
Sinagot din ng Kapamilya actress ang tanong kung ready na ba siyang magmahal uli matapos masaktan nang ilang beses nang dahil sa pag-ibig.
Reply ni Angelica, “Matagal ng ready [smiley emoji].”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.