Kaso ng COVID-19 sa Quezon City nasa 174 na; pumanaw umabot na sa 27
NANANATILI ang Quezon City sa pinakamaraming kaso ng coronavirus disease sa buong bansa, matapos na umabot na sa 174 ang kabuuang kumpirmadong kaso sa lungsod.
Ito’y matapos makapagtala ng 23 bagong kaso ng COVID-19 mula sa 151 kaso na unang inihayag ng lokal na pamahalaab sa Facebook page nito.
Samantala, nasa 27 naman ang namatay dahil sa deadly virus at 11 naman ang nakarekober.
Bukod dito, nakapagtala ang Quezon City ng 76 person under investigation (PUIs) at 416 person under monitoring (PUMs).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending