Walang natatanggap na tulong, mga residente sa Sitio San Roque, QC lumabag sa quarantine
BINUWAG ng pulisya ang hanay ng mga residente sa Sitio San Roque, Quezon City na nagbarikada dahil wala umanong natatanggap na tulong.
Hinuli ng pulisya ang ilan sa mga nagbarikada na nagpulasan nang makita ang pagdating na mga pulis.
Malinaw na paglabag umano ito sa Enhanced Community Quarantine at social distancing na ipinatutupad upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019.
Ayon sa mga nagbarikada sila ay mga miyembro ng grupong Kadamay, na nakilala matapos lusubin ang isang government housing project at tirahan ang mga bakanteng bahay na para sa mga pulis at sundalo.
Pumunta umano ang mga residente sa kalsada dahil may nagsabi sa kanila na may mabibigay doon ng tulong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.