Kaso ng COVID-19 sa PH umabot na sa mahigit 2,000; 538 bagong kaso naitala
UMABOT na sa mahigit 2,000 ang mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng mahigit 5,000 kaso ngayong Martes.
Sinabi ng DOH na nasa 2,084 ang mga kaso ng COVID-19 Martes ng hapon kung saan 538 ang nagpositibo sa deadly virus.
Idinagdag ni DOH na umabot na sa 88 ang nasawi matapos na madagdagan ng 10 ang mga pumanaw, samantalang nasa 49 naman ang gumaling.
Ito na ang pinakamataas na bilang ng mga nahawa ng COVId-19 simula noong Pebrero.
Iginiit naman ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang pag-taas ay dahil na rin sa mabilis na pagproseso ng mga testing kits Research Institute for Tropical Medicine at ang operasyon ng sub-national laboratories para maproseso ang mga resulta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.