Epal sa pamimigay ng pera ng gobyerno binalaan | Bandera

Epal sa pamimigay ng pera ng gobyerno binalaan

Leifbilly Begas - March 31, 2020 - 05:34 PM

PINAGSUSUMITE ng Department of Interior and Local Government ang mga lokal na pamahalaan ng listahan ng pamilya na bibigyan ng tulong pinansyal ng gobyerno.

Kasabay nito ay binalaan ng DILG ang mga lokal na pamahalaan at barangay officials na kumuha ng kredito sa ipamamahaging tulong sa ilalim ng social amelioration program.

Upang mapabilis ang pagbuo sa master list ng mga tutulungan inatasan ng DILG ang mga LGU na bilisan ang pagbibigay ng Social Amelioration Card (SAC).

Ang SAC ay isang form na ipamimigay ng barangay upang makuha ang profile ng isang pamilya na gagamitin upang matukoy kung kuwalipikado ito sa tulong.

Binigyan ni Sec. Eduardo Año ang mga LGU ng hanggang Abril 3 para maisumite ang listahan.

“We must act fast to help our poor countrymen. I am directing all LGUs to produce a master list of the social amelioration programs’ target beneficiaries at the earliest possible time for us be able to immediately address the needs of our countrymen,” ani Año.

Ang bubuohing master list ang bibigyan ng P5,000- P8,000 tulong ng gobyerno. Aabot sa 18 milyong pamilya ang target na mabigyan nito.

Iginiit ni Año na hindi dapat ilimita ang listahan sa mga botante ng isang lugar at hindi umano kailangan ang Voter’s ID para makasama sa magbebenepisyo sa programa.

Paalala pa ni Año: “Huwag na po sana nating gamitin ang krisis na ito pa sa politika. Malayo pa po ang eleksyon, let’s devote our time and efforts in helping the people.”

 “LGUs shall not install or cause to install any form of signage or appendage crediting any local government official, or bearing his or her image for the distribution of any of the social amelioration measures,” saad ng circular.

Target na mabigyan ng tulong sa ilalim ng social amelioration program ang mga senior citizens; persons with disability; buntis at lactating women; solo parents; overseas Filipinos in distress; indigent Indigenous Peoples; underprivileged sector at homeless citizens; at informal economy workers.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending