Emergency subsidy madaliin-Salceda | Bandera

Emergency subsidy madaliin-Salceda

Leifbilly Begas - March 31, 2020 - 05:08 PM

DAPAT umanong bilisan ang pamimigay ng emergency subsidy dahil tiyak na lalabas para maghanap ng pagkakakitaan ang tao kapag wala na itong pambili ng pagkain.

“The quick rollout of the ESP will help us keep families at home. Kapag wala na kasing pera, lalabas talaga yan para makapaghanapbuhay. Or in the worst conditions, be forced to violate the law,” ani House committee on ways and means chairman at Albay Rep. Joey Salceda.

Sinabi ni Salceda na ang bansa ay wala pa sa recovery stage kay hindi dapat umano sa punto na maging desperado na ang mga mamamayan at lumabas ng kanilang mga bahay para may mailaman sa kanilang sikmura.

Nagpasalamat naman si Salceda kay Pangulong Duterte sa mabilis umanong paglabas ng Emergency Subsidy Program at pagpapalawak ng listahan ng mga makikinabang dito.

“I would like to thank President Duterte for considering the proposal to expand the coverage to include basic sectors such as tricycle drivers and lactating and pregnant women,” ani Salceda.

Ang mga pamilya apektado ng Enhanced Community Quarantine ay bibigyan ng P5,000- P8,000 tulong pinansyal ng gobyerno. Gagastos ang gobyerno ng P200 bilyon para sa 18 milyong pamilya na tutulungan.

Sinabi ni Salceda na tama rin ang hakbang ng gobyerno na bumuo ng economic stimulus package upang mapabilis ang pagbangon ng bansa sa tulong ng business sector.

“Definitely, the private sector spends money faster and generally invests it better than the public sector does, so the short-term aspect of the stimulus plan will have to focus on boosting the private sector and ensuring that they stay in business.”

Nanghinayang naman si Salceda dahil hindi naipasa ng Kongreso ang Comprehensive Income Tax and Incentives Reform Act (CITIRA) na makatutulong sana sa paghikayat sa mga dayuhang mamumuhunan na magnegosyo sa bansa.

“Sayang nga yung CITIRA. You have to credit the foresight of the President – he asked us in Congress to pass that January 2018 pa. If we had that now, we would have been able to invite investors looking for better global markets outside the developed world, kasi papasok sa 4-6-quarter recession ang mundo. Pero tayo positive territory na after 3 quarters. Some version of the reform will have to be part of the larger package of stimulus programs.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinabi ni Salceda na mas malala ang kalagayan ng mundo ngayon kumpara noong 2008 pero mas maganda umano ang posisyon ng Pilipinas ngayon.

“We can come out of this much stronger than we were before this crisis, if we can get the policies right.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending