Warning ni Pacquiao kina Sarah at Matteo: Labanan ang mga demonyo
BINALAAN ni Sen. Manny Pacquiao ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa mga “demonyo” na magtatangkang sumira sa kanilang pagsasama.
Ayon sa Pambansang Kamao, kailangang laging nasa sentro ng kanilang married life ang Panginoon para mas tumatag pa at tumagal ang relasyon.
Sa pag-uusap ng dalawa sa “One Voice Pilipinas” fundraising online show (Facebook Live) para sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic, sinabi ng senador na nagsisimula pa lang ang AshMatt at napakarami pa nilang pagdaraanang pagsubok.
“In my experience with my wife—41 years old na kami ngayon—nag-asawa kami 19 kami pareho.
“In our 22 years (of marriage), sa experience namin sa buhay, it’s like more than that, it’s like 50 years na kami mag-asawa. There’s a lot of trials, temptation in relationship, in your family,” pahayag ni Matteo.
Isa pa sa ipinayo ni Pacman kay Matteo ay ang pag-iwas sa kanilang pride kapag meron silang hindi pinagkakasunduan.
“Kasi dapat maintindihan ng husband kung anong posisyon niya, maintindihan ng wife kung ano’ng pagiging wife niya.
“Kapag magkakaroon ng overlapping ‘yan at hindi magkakaintindihan, kanya-kanyang pataasan, hindi sila nagkakaintindihan, sasabog na. So, teamwork talaga palagi,” advice ng senador.
“Balancing lang. Intindihan mabuti. Kami ng asawa ko, hindi kami nag-aaway. Nag-uusap kami palagi, ganun lang.
“Maraming mga pagsubok na madadaanan. You will remember me. Mark my word,” aniya pa.
Sinang-ayunan naman ni Matteo ang lahat ng sinabi ni Pacquiao. Naniniwala siya na napakalaking factor ng pananampalataya sa Diyos para magtagal ang relasyon ng mag-asawa.
“You proved it, that God has to be at the center of relationship. God will make everything work out,” lahad ng mister ni Sarah na sinang-ayunan din ni Manny.
Aniya, “Marriage is designed by God. Importante nandiyan ang Panginoon palagi. Kasi kung wala ang Panginoon, ang misyon ng Devil ay paghiwalayin ang mag-asawa.
“Ang devil, ang misyon niya paghiwalayin, pag-away-awayin ang mga tao,” anang senador na nangako pa kina Matteo at Sarah na willing siyang magbigay ng counselling kung kakailanganin nila.
“But anything I can help or I can advice before you make a decision, you can call me anytime. You can ask me for advice or guidance, biblically, spiritually, I can do that.
“Ayoko talaga yung pamilya na mawasak o maghiwalay,” sabi pa ng boxing champ.
Sabi naman ni Matteo sa kanya, “I will never forget that invitation Sir Manny, ha? I promise I will call you.
“I’d love to let Sarah meet you and talk to you, how your faith has grown over the years,” pahayag pa ng Kapamilya actor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.