Vice iba't ibang klaseng lalaki ang naging dyowa: Macho dancer, waiter, bartender, karpintero, cager | Bandera

Vice iba’t ibang klaseng lalaki ang naging dyowa: Macho dancer, waiter, bartender, karpintero, cager

Alex Brosas - March 30, 2020 - 02:49 PM

VICE GANDA

NAG-REACT si Vice Ganda sa pamba-bash sa kanya after i-release ang newest song niyang “Corona Byebye Na”.

The song was performed by Vice  during “Pantawid ng Pag-Ibig: At Home Together” concert.

Very cool ang sagot ni Vice sa panglalait sa kanya ng basher.

“Shhhhhhhh! Wag ngayon please. Walang maitutulong yung grabeng hate mo. Your hate won’t do any good. God bless you. Stay safe,” say ni Vice.

Ipinagtanggol naman ang Unkabogable Star ng kanyang mga followers.

“Ay naku wag na pansinin mga haters na yan karamihan dyan inggit lang sa narating mo at succesful kana Vice. Ikaw nga madami na natulungan yan mga yan e wala pa.mga paepal.galit sa mundo yan.salamat pala at ikaw ang nagpasigla ng movie industry sa pinas.

“Dahil high grossing mong pelikula na ikaw din mismo ang nagbe break bagay na di kaya gawin ng mga hatters nayan haha and thats is real.pag patuloy molang yan samga nagsasabi na magaling kalang sa green jokes or bad hey. Mapapatawa kaba ng serious word. Pweeee,” said one guy.

“Wala namang masama sa corona bye bye na dance challenge wala namang masamang ibig sabihin ang corona bye bye na. mas mabuti ng mag corona bye bye na dance challenge may cash prize ka na may pabigas ka pa para sa barangay ninyo kaysa lumabas ng bahay ng Hindi kailangan at mag pasaway,” said another fan.

Incidentally, sa replay episode ng Gandang Gabi, Vice last Sunday ay very cool din ang TV host-comedian sa pang-ookray at pambubuking sa kanya nina Daniel Padilla at Alex Gonzaga.

“Alam n’yo ba dati ng dyowa niya, dati ang bahay lupa lang, ngayon semento na. Dati second floor ngayon, third floor na. Ganyan magmahal si Vice, merong kabuhayan showcase,” pambubuking ni Alex.

“Sa totoo lang, muntik nang humawak ng government agency si Vice. DOLE, muntik na niyang hawakan, Department of Lover and Employment.  

“Iba-iba kasi ang naging dyowa mo.  Nagkaroon ka ng waiter, ng bartender, ng karpentero, ng macho dancer, ng basketball player.  Puwede ng maging sanglaan ang lugar mo dahil sa dami ng motorsiklong naibigay mo,” sabi pa ni Alex.

“Nagbibigay ka ba ng motorsiklo?” say ni Daniel.

“Pinakamahal niyang naibigay is Hummer,” sabat ni Alex.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 “Huy, hindi ko binigay ‘yun, siraulo.  Ginamit lang niya ng 12 months,” paliwanag ni Vice Ganda.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending