Kris Aquino hinamon ang malisyosong basher: Patunayan mo na may nakuha kami! | Bandera

Kris Aquino hinamon ang malisyosong basher: Patunayan mo na may nakuha kami!

Alex Brosas - March 30, 2020 - 02:43 PM

KRIS AQUINO

HINDI pinalagpas ni Kris Aquino ang isang basher na nanglait sa kanya nang mag-post siya ng photos ng bigas na ipinamahagi niya sa mga mahihirap.

“12 sacks of rice lang Kris sa dami ng nakuha ng pamilya mo,” comment ng basher.

Siyempre, hindi iyon pinalagpas ni Kris. Agad-agad siyang tumalak. Hinanapan niya ng proof ang basher.

“Prove na may ‘nakuha’ kami- here we go again…” hamon ng TV host sa kanyang follower.

Ang daming nag-react na fans ni Kris. They came to the defense of their idol.

“Fake news. Hahaha! di magnanakaw ang mga Aquino baka makasuhan pa ang nagpost nito.”

“Me supporting evidence ka ba kung ikaw kasuhan ng mga Aquino sa sinasabi mo?”

“At least nakapag abot ng tulong sa kapwa. Ikaw ba may naitulong sa kapwa mo sa panahon ngayon? Baka nakipagpatayan ka pa makakuha lang ng relief.”

Sa isang Instagram post ni Kris, sinabi niyang patuloy siyang naghahanap ng paraan para makapagbigay ng tulong sa mga nawalan ng work due to  COVID-19 pandemic.

“Like i said sa IG, sa ATM ako umasa para makapag withdraw para may maiambag na tulong… my heart breaks for our daily wage earners, those living paycheck to paycheck habang naka lockdown tayong mga Pinoy.

“Uulitin ko, LABAN nating lahat ‘to… kailangan ng tulungan, pagkalinga, at pagmamahal sa isa’t isa.

Sinuklian ko lang ang kabutihang loob na pinakita sa ‘ming 3: kuya josh, bimb, at ako. “@municipalityofpuertogalera & the Puerto Galerans you are very welcome. You have made us feel at home, kaya sa abot ng kakayahan ko, gumawa ng paraan para magpakita ng #lovelovelove. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“God bless us all with His protection & complete healing.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending