Mga namatay sa pneumonia i-test kung may COVID-19
MAY mga namamatay umano sa pneumonia na hindi nasusuri kung positibo ang mga ito sa coronavirus disease 2019.
Ayon kina AnaKalusugan Rep. Mike Defensor at Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo maaaring nakahawa ang mga ito at walang kaalam-alam ang kanilang mga nahawahan dahil sila ay inilibing ng hindi nagpapa-COVID test.
“If we do not test them, we will never know if they are positive for the fast-spreading coronavirus disease. It’s good if they do not have the virus. But what if they have it?” tanong ni Defensor.
At nakakatakot din umano na ang mga nahawahan ng mga namatay ay makahawa ng iba dahil hindi nila alam na sila ay carrier ng COVID-19.
“That is why it is important that we test all suspected carriers, even the dead. If they had it, we can do contact tracing and isolate those who have been exposed. Obviously, we cannot do that if we don’t do the test,” dagdag pa ng partylist solon.
Sinabi naman ni Castelo na dapat ay bantayan ng barangay at lokal na pamahalaan ang mga namatay sa pneumonia dahil sa mataas na posibilidad na sila ay carrier ng COVID-19.
“We need to intervene. We need to be cautious. We need to quarantine the family. We need to do contact tracing. We have to do all those to stop the cycle of infection. Otherwise, we might be the next Italy,” dagdag pa ng lady solon.
Kung matutukoy umano ang mga namatay na positibo sa COVID-19 ay mas madaling makokontrol ang pagkalat ng sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.