Kim Chiu natapos na ang 14-day quarantine: OK naman ako, walang masamang nararamdaman | Bandera

Kim Chiu natapos na ang 14-day quarantine: OK naman ako, walang masamang nararamdaman

Ervin Santiago |March 28,2020
facebook
share this

Kim Chiu natapos na ang 14-day quarantine: OK naman ako, walang masamang nararamdaman

Ervin Santiago - March 28, 2020 - 07:45 PM

KIM CHUI AT XIAN LIM

“VIDEO-VIDEO call lang muna!” 

Tiis-tiis din ang drama ngayon ng magdyowang sina Kim Chiu at Xian Lim habang ipinatutupad pa ang enhanced community quarantine sa bansa.

Ayon kay Kim, tuloy-tuloy pa rin ang communication nila ng boyfriend habang naka-lockdown ang Metro Manila.

Aminado ang aktres na malaking adjustment para sa kanila ni Xian ang hindi magkita nang isang buwan pero aniya, marami rin namang positibong nangyari habang nasa bahay lang sila.

Sa panayam ng Magandang Buhay sa Love Thy Woman lead actress sa pamamagitan ng live video conference na Zoom, natanong kung kumusta naman ang “LDR” (long distance relationship) nila ni Xian ngayong naka-self-quarantine sila.

“Video-video call lang, kasi naka-quarantine din kami sa Love Thy Woman cast, dahil nga kay Tito Bo (Christopher de Leon) na magaling na ngayon,” pahayag ni Kim.

Sey pa ng dalaga, dalawang linggo na siyang naka-home quarantine mula nang aminin ni Boyet na positibo siya sa COVID-19. 

“And pang-14th day na namin. Okay naman ako, wala naman akong nararamdamang masama, nakapag-workout pa ako at ito nakikipag-usap pa sa inyo,” chika pa ng Kapamilya star.

Isa si Kim sa mga celebrities na agarang nagbigay ng tulong sa mga naapektuhan ng lockdown sa NCR. Nag-donate siya ng ilang sako ng bigas para sa 500 pamilya sa kanilang lugar.

Samantala, habang hindi pa umeere ang Love Thy Woman sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN matapos mahinto ang taping nito nang dahil sa COVID-19 ,mapapanood muna ang replay ng mga teleseryeng The Legal Wife at Walang Hanggan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending