ISINAILALIM ang buong lalawigan ng Laguna sa total lockdown ala-1 ng hapon ngayong araw sa harap ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19).
Inihayag ni Laguna Governor Ramil Hernandez ang desisyon sa social media.
Nauna rito, kinumpirma ang mga kaso ng COVID-19 sa bayan ng Pila at San Pablo City, at pangwalong kaso sa Santa Rosa City.
Umabot na sa 23 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending