Sey mo Mommy Divine sa hugot ni Sarah: Hindi ka na madidiktahan kung sino ang mamahalin mo | Bandera

Sey mo Mommy Divine sa hugot ni Sarah: Hindi ka na madidiktahan kung sino ang mamahalin mo

Julie Bonifacio |March 28,2020
facebook
share this

Sey mo Mommy Divine sa hugot ni Sarah: Hindi ka na madidiktahan kung sino ang mamahalin mo

Julie Bonifacio - March 28, 2020 - 03:02 PM

SARA AT DIVINE GERONIMO AT MATTEO GUIDICELLI

IPINOST ni King of Talk Boy Abunda sa kanyang Facebook page ang  interbyu niya kay Sarah Geronimo sa “Buzz ng Bayan” years ago. 

Nahalukay sa “lumang baul” ng sandamakmak na interview ni Kuya Boy sa dati niyang Kapamilya showbiz talk show ang panayam niya kay Sarah.

Napanood namin ulit ang buong interbyu ni Kuya Boy kung saan may mga tanong ang TV host sa misis ni Matteo Guidicelli na very much relate pa rin sa nangyayari sa usaping pamilya at pag-ibig ng Popstar Royalty.

      

“This is arguably one of Sarah’s most refreshing and fascinating interviews we did,” post ng TV host. At dahil din daw diyan, kaya nami-miss niya nang husto ang dati nilang showbiz-oriented show na “The Buzz.”

Iba rin talaga kapag si Kuya Boy ang nagtatanong sa celebrity, e.  Kahit si Sarah na medyo matipid sumagot, e, napapagsalita niya. 

Looking back, napaamin ni Kuya Boy si Sarah na nagkaroon siya ng dalawang relasyon bago pa nga niya mapangasawa si Matteo.

“Yung seryoso? Hala! Dalawa, opo,” sagot ni Sarah when asked kung ilang beses na siyang na-in-love. Sa pagkakaalam namin, sina Rayver Cruz at Getald Anderson ang tinutukoy ng singer-actress.

“Kanino siya nasaktan, sa una o sa pangalawa?” tanong ni Kuya Boy. Sagot ni Sarah, “Ah, sa pangalawa. Kasi, ay, alam ninyo na po yun. Opo, alam ninyo na po yun.”

Sumunod na tanong kung aprub ba ang mga magulang niya kapag in-love siya, “Parang, hanggang ngayon naman po wala, eh. Hanggang ngayon.”

Ipinagtanggol naman ni Kuya Boy ang parents ni Sarah na sina Mommy Divine at Daddy Delfin,  ganoon lang daw talaga ang mga magulang. 

   Tinanong din ni Kuya Boy si Sarah  kung hanggang saan dapat manghimasok ang mga magulang sa buhay pag-ibig ng kanilang anak, “Para sa akin po, importante po talaga na you have to make your own decisions lalo na sa pag-ibig. Hindi naman ako, siguro po noon po, ‘di ba? Nu’ng unang panahon. Pero ngayon, HINDI KA NA MADIDIKTAHAN KUNG SINO ANG GUGUSTUHIN MO, kung kanino ka mai-in-love, kung sino ang mamahalin mo. 

     “Ang importante na lang, sana MAPATUNAYAN MO NA TAMA YUNG DESISYON MO. Na tama yung taong minahal mo. At sana, ganoon din yung taong magmamahal, ‘di ba? Patutunayan du’n yung sarili niya,” paliwanag ni Sarah.

   Harinawa na tama talaga ang naging desisyon ni Sarah sa pagpili kay Matteo over her parents. At sana nga, makuha rin ni Matteo ang trust and respect sa ng parents ni Sarah, especially Mommy Divine.

    In connection with this, may nabasa kaming comment sa photo ng birthday celebration kamakailan ni Matteo, na i-enjoy pa nila nang husto ang sweet moments nila now dahil darating daw ang panahon na magkakaproblema sila at walang ibang tatakbuhan si Sarah kundi ang parents niya.

    Sa interbyu ni Kuya Boy may sinabi naman si Sarah tungkol sa lalaking pinili niya.

    “Basta ako Tito Boy, magdarasal po ako and happy ako na tama yung ginagawa ko. And kung magkakamali man ako, aray!  Diyos ko, huwag naman po sana. Pero naniniwala ako na ire-redirect ng Diyos ang path ko halimbawang magkamali ako. 

“At ang mga magulang ko nandiyan. Alam ko na hindi nila ako bibitawan at pinagdarasal ko na ang pagmamahal pagkamasyadong sumobra, di ba? Nao-overwhelm tayo, eh. Pinagdarasal ko na maging buo pa rin ako.

“Maging buo ako hanggang dumating yung  panahon na makikita na talaga yung, alam ninyo yan? Na makasama ko na yung mapapangasawa ko,” ayon pa kay Sarah.

     

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

  

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending