Camille Prats, Iya Villania nagbigay ng Mommy tips habang may lockdown | Bandera

Camille Prats, Iya Villania nagbigay ng Mommy tips habang may lockdown

Ronnie Carrasco III - March 28, 2020 - 08:28 AM

CAMILLE PRATS AT IYA VILLANIA

MGA reruns ang napapanood ngayon, partikular ang mga lumang teleseryeng tumatak sa mga manonood.

Ito’y dahil nga sa tigil-production na ipinatupad ng mga istasyon habang nasa gitna tayo ng panganib dulot ng COVID-19.

Too bad for the cast members involved in the production na hindi muna nagte-taping o walang trabaho. No work, no pay din sila tulad ng maraming daily wage earners.

May kita pa rin namang pumapasok sa mga network mula sa mga replay, ‘yun nga lang ay hindi na ito tulad ng dati.

Halimbawang ang isang 30 seconder na patalastas sa primetime ay pumapalo nang daang libong piso, kalahati na lang ang ibinabayad ng advertiser.

                * * *

Nakausap namin ang isang telephone operator sa GMA 7 as we inquired about the freelance talent na umano’y tinamaan ng COVID-19. 

Nagbigay na ng statement ang pamunuan tungkol dito, it’s also taking necessary measures to address it.

Ayon sa aming kausap, hanggang sa Annex Building lang nakarating ang talent, isang beses lang daw ‘yon at hindi na nag-ikot pa sa kabilang gate.

Hindi rin dinisklows ang kasarian nito, o aling programa ito konektado, pero na-trace na raw nila ang mga nakasalamuha nito, kaya walang dapat ipangamba ang mga kawani ng network.

* * *

Nagbigay ng tips ang Mars Pa More hosts na sina Iya Villania at Camille Prats sa mga kapwa nila nanay kung paano magiging mas kapaki-pakinabang ang bawat araw kasama ang mga anak during enhanced community quarantine.

In an online no-contact interview natanong sina Iya at Camille kung ano ang maipapayo nila sa mga tulad nilang mommy while on home quarantine.

“Actually, ang magandang momma tip na maibibigay ko ngayon, siyempre, kasi may ibang mga moms diyan na may mga toddlers, na naka-diaper pa.

“Necessity ‘yun para sa isang ina na may diapers siya sa bahay. So, kung nahihirapan silang maka-order or makabili sa grocery, ito ‘yung magandang chance para i-potty train niyo na sila,” says Iya na na-inspire sa ginawa ni Jennica Garcia sa kanyang mga anak.

Inamin naman ni Camille na naka-self-isolation pa rin siya following her recent trip sa Amerika kasama ang asawang si VJ Yambao at mga anak. Sa ngayon nasa pangangalaga ng kanyang nanay ang mga anak.

“Ang ginagawa ng sister-in-law ko sa mga pamangkin ko at sa anak ko na nasa mommy ko, nagbibigay sila ng activities nagti-trace sila ng lines, nagko-color sila.

“Let’s come up with activities to keep them busy. Ito na ‘yung opportunity para maturuan sila. Give them lots of playtime just make sure they have enough hours to sleep,” ani Camille.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

         

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending