Solenn Heussaff bad trip na sa DOH, awang-awa sa frontliners: Help us out here!
MAY himig galit at pagkairita na ang mensahe ng Kapuso host-actress na si Solenn Heussaff para sa gobyerno tungkol sa kinakaharap na problema ng Pinoy health workers habang nakikipaglaban sa COVID-19.
Dahil sa patuloy na pagdami ng COVID-19 case sa Pilipinas, kulang na kulang na rin ang mga personal protective equipment o PPE na kailangan ng mga frontliners.
Sa Instagram Stories ni Solenn, isa-isa niyang ang mga news item tungkol sa healthcare workers na may caption na, “This needs to be addressed RIGHT NOW.”
“Everyone is working hard to getting/making supplies for our heroes. Can’t our leaders do the same and get what they need?” aniya pa.
Halos araw-araw siyang nakatatanggap ng mensahe mula sa netizens na awang-awa sa mga Pinoy health workers, “You guys need to step up. Messages like this EVERY DAY.”
Personal na rin siyang nagpadala ng mensahe sa Department of Health (DOH) sa pamamagitan ng Twitter, tinanong niya kung ano na ba ang nangyari sa mga PPE na dapat ipamigay sa mga frontliners at parang ang mga civilian pa ang aligaga sa paghanap ng paraan para matugunan ang kanilang pangangailangan.
“@DOHgovph why arent containers of PPE suits being ordered?? Why are civilians the ones finding ways to make some or aquire of some for our frontliners. Help us out here!” pahayag ni Solenn.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.