Liquor ban ipinatupad sa QC | Bandera

Liquor ban ipinatupad sa QC

- March 27, 2020 - 09:39 AM

HALOS dalawang linggo matapos ipatupad ang enhanced community quarantine sa buong Luzon, naglabas ng kautusan ang lokal na pamahalaan ng Quezon City na nagdedeklara ng liquor ban sa harap naman ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa lungsod.

Sa ilalim nv Executive Order number 24 na ipinalabas ng Quezon City, bawal na ang pagbebenta, pagbili at pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar.

“LIQUOR BAN SA BUONG QC simula 26 Marso 2020 hanggang matapos ang Enhanced Community Quarantine Period,” sabi sa post sa Facebook page ng Quezon City government Huwebes ng gabi.

“Bawal nang magbenta at bumili ng alak gayundin ang mag-inuman sa mga pampublikong lugar. Ang sinumang lalabag ay huhulihin at parurusahan nang naaayon sa batas,” ayon pa sa post.

Ipinatupad ang enhanced  community quarantine sa Luzon noong Marso 16.

Umabot na sa 97 ang mga kaso ng COVID-19 sa Quezon City, na siyang pinakamataas sa buong Metro Manila.

Ayon sa Department of Healthca(DOH) na sa 316 na ang kaso sa National Capital Region (NCR). Kumakatawan naman ang mga kaso ng Quezon City sa 31 porsiyento ng buong bilang ng COVID-19 sa NCR.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending