PR man bumibinggo na sa PNP dahil sa pagpapakalat ng fake news | Bandera

PR man bumibinggo na sa PNP dahil sa pagpapakalat ng fake news

Den Macaranas - March 26, 2020 - 03:10 PM

Ibinisto ng isang beteranong journalist na isang public relation guy ang nasa likod ng ilang mga fake news na nagkalat sa kasalukuyan.

Mukhang may katotohanan ang balitang ito lalo’t masyado ngayong busy ang PR man na kilala sa bansag na “Kulot”.

Masyado siyang busy sa pagpuna sa mga pagkukulang ng pamahalaan sa diskarte kung paano masusugpo ang pananalasa ng coronavirus sa bansa.

Wala namang masamang pumuna pero masyadong halata na kargado ito ng pamumulitika na hindi naman natin kailangan sa kasalukuyan.

May ilang sources na rin ang nagsabi sa akin na si Kulot daw ang pasimuno sa pagpapakalat ng ilang fake news.

Kaya sinabi ng aking long hair na cricket na isa si Kulot sa mga tinututukan ngayon ng PNP sa kanilang imbestigasyon sa mga nagpapakalat ng mga maling balita at impormasyon gamit ang online media.

Sinabi pa ng aking cricket na mataas ang pangarap ni Kulot kaya halos isubo na rin nito ang alkalde na kanyang kliyente na tumakbo sa mas mataas na pwesto sa 2022.

Mabuti na lamang daw at hindi uto-uto si Sir sa bawat panukala ng kanyang pr man na mukhang pera ayon pa sa aking cricket.

Mahusay sana si Kulot pero hindi ito nagtatagal sa kanyang mga kliyente dahil sa sobrang takaw nito sa pera ayon pa sa aking sources.

Ang bida sa ating kwento na sinasabing isa sa mga utak sa pagpapakalat bg fake news ay si Mr. A….as in Aramis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending