Veteran actor namatay habang hinihintay ang resulta ng COVID-19 test
HABANG ipinagdarasal ang mabilis na paggaling ni Iza Calzado matapos tamaan ng pneumonia, ipinagluluksa naman ngayon ng mga taga-showbiz ang pagpanaw ng veteran actor at isang bayaning doktor.
Ito’y sa gitna pa rin ng pakikipaglaban ng Pilipinas sa patuloy na paglala ng COVID-19 pandemic sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Una na nga riyan ang pagkamatay ng sister ni Ruby Rodriguez na si Dr. Sally Gatchalian, isa sa mga frontliners na tinamaan ng COVID-19 habang ginagampanan ang kanyang trabaho.
Si Dr. Sally ang president ng Philipine Pediatric Association at bahagi rin ng RITM at isa nga sa mga maituturing na bagong bayani ngayong panahon ng krisis.
Bukod kay Dr. Sally, malungkot ding ibinalita ng kanyang pamilya na sumakabilang-buhay na rin ang magaling na veteran character actor na si Menggie Cobarrubias. Siya ay 68.
Bago ito, kumalat na sa social media ang balitang nasa kritikal na kundisyon ang aktor at nakikipaglaban sa kanyang sakit.
“Fight tito Menggie. Nandito lang kaming lahat at nagdarasal para gumaling ka. LabanTito Menggie. Yakap,” ang post ni Liza Dino-Seguerra ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) bago pa lumabas ang malungkot na balita.
Ayon sa report, pumanaw si Menggie dakong alas-8 ng umaga sa isang ospital sa Alabang dahil din sa pneumonia. Hinihintay pa rin hanggang ngayon ang resulta ng kanyang COVID-19 test.
Kinumpirma rin ni Direk Joel Lamangan ang malungkot na balita sa pamamagitan ng Facebook post ni Direk Armand Reyes, “KATATAWAG NI DIREK JOEL LAMANGAN – WALA NA SI MENGGIE… IPAGDASAL PO NATIN ANG KANYANG WALANG HANGGANG KAPAYAPAAN.”
Kapansin-pansin naman ang huling post ng beteranong aktor sa kanyang Facebook na tila nagparamdam na sa kanyang pagpanaw. Aniya sa kanyang FB status, “Goodbye”.
Samantala, patuloy naman ang pag-aalay ng dasal ng mga kasamahan sa industriya para lay Iza Calzado. Kasalukuyang naka-confine sa isang hospital ang aktres dahil sa pneumonia.
Waiting pa rin si Iza sa resulta ng COVID-19 test na isinagawa sa kanya as of this writing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.