Bianca Umali may pa-tribute sa frontliners; Mikee Quintos nag-alay ng kanta | Bandera

Bianca Umali may pa-tribute sa frontliners; Mikee Quintos nag-alay ng kanta

Ervin Santiago - March 26, 2020 - 08:12 AM

HUMANGA at saludo ang Kapuso actress na si Bianca Umali sa lahat ng mga frontliner na patuloy na nagtatrabaho at nagsasakripisyo sa kabila ng banta ng COVID-19 pandemic. 

Ayon kay Bianca, malaki ang kanyang pasasalamat sa lahat ng  health workers na itinuturing ngayong mga bayani.

“To our brave frontliners, maraming, maraming salamat sa inyo. We honor your sacrifices and you are our heroes. May God bless you all and mabuhay kayong lahat.” 

Patuloy ring ipinagdarasal ni Bianca ang proteksyon at safety nilang lahat habang patuloy nilang pinaglilingkuran ang ating mga kababayan, “Maraming salamat po sa pagtulong ninyo sa ating bayan.

“Sigurado po akong mahirap po ito para sa inyo pero ginagawa ninyo pa rin ang inyong makakaya para sa ating bayan at para sa ating mga kababayan. Saludo po ako sa inyo. May you remain in good health and may God bless you all,” sabi pa ng Kapuso actress.

* * *

MIKEE QUINTOS

Tagos sa puso ang madamdaming song cover ni Mikee Quintos ng “True Colors” sa kanyang Instagram post.

 Iniaalay niya ito para sa mga Pilipino at sa lahat ng apektado ng banta ng global pandemic na COVID-19. 

Paalala ni Mikee, ngayon ang tamang panahon ng pagtutulungan at pagpapakalat ng positive vibes sa kapwa, “I dedicate this short cover to all the hearts out there!!

“Whatever you may be feeling about this lockdown, I hope you guys find time to smile and have a good laugh now and then,” pahayag ng dalaga na patuloy ding ipinagdarasal ang kaligtasan ng lahat lalo na ang mga frontliners.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May iba’t ibang paraan talaga ang mga artista ngayon sa pagpapasaya ng netizens at viewers! Hindi nagiging hadlang ang community quarantine sa kanila. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending