Solon nagpositibo sa COVID-19 | Bandera

Solon nagpositibo sa COVID-19

Leifbilly Begas - March 25, 2020 - 08:19 PM

NAGPOSITIBO sa coronavirus disease 2019 test si ACT-CIS Rep. Eric Go Yap, chairman ng House committee on appropriations.

Sa isang pahayag, kinumpirma ni Yap natanggap nito ang resulta ng test makalipas ang 10 araw.

“It is with a heavy heart that I share to all of you that I tested positive for coronavirus,” ani Yap na dumalo sa special session ng Kamara de Representantes noong Lunes.

“Nagpa-test ako noong March 15 at ngayong araw, 10 days after, nakatanggap tayo ng tawag mula sa DOH upang iparating sa akin ang resulta. Inis at galit ang naramdaman ko dahil alam ko sa sarili ko na maaaring nailagay ko sa alanganin ang buhay ng mga taong nakapaligid sa akin.”

Sinabi ni Yap na siya ay nagpa-test dahil na-exposed siya sa mga tao na napabalitang nag-positive sa coronavirus.

“Noong March 10, as Chairperson of the House Committee on Appropriations, dininig natin ang panukalang magbibigay ng supplemental budget sa DOH laban sa covid-19. After that, it was business as usual for me but I was careful as always. Since March 10, ilang tao pa ang nakasalamuha ko kabilang na ang ilan na maaaring na-expose sa mga known positive cases of covid19.”

Noong Marso 21 ay ipinatawag siya sa isang pulong sa Malacañang upang talakayin ang mga hakbang na dapat gawin kaugnay ng paglaban sa COVID-19.

“Bago tayo magpunta doon, nagtanong ako kung may resulta na ang aking test, pero wala pa daw. I attended the meeting and was careful the whole time knowing na I could potentially be a carrier of the virus.”

Bago pumunta sa special session ay muli siyang nagtanong ng resulta “pero wala pa rin daw. That was 8 days after my test”.

 “Humihingi ako ng patawad at pag-unawa mula sa mga taong nakasalamuha ko. I was paranoid dahil may kaunting ubo akong naramdaman but I felt it was normal for me. Mas nag-ingat tayo dahil wala pang resulta ang test ko. Those who know me personally know that I practice good personal hygiene. But it didn’t spare me from this virus.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinabi ni Yap na “wala pong kinikilalang pulitika, kapangyarihan, o kayamanan ang sakit na ito. Pantay pantay po tayong lahat. Kung gusto nating sugpuin ang pagkalat ng virus, kinakailangan na magkaisa tayo. Sama sama, kaya natin ito.”

Umapela si Yap sa publiko na manatili sa bahay upang hindi mahawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending