Bashers kay Ellen Adarna: Puro pasarap daw, walang tulong sa COVID-19 crisis | Bandera

Bashers kay Ellen Adarna: Puro pasarap daw, walang tulong sa COVID-19 crisis

Ervin Santiago - March 25, 2020 - 06:53 PM

ELLEN ADARNA

SUPALPAL kay Ellen Adarna ang bashers na nagsabing puro pagpapasarap lang sa buhay ang alam niyang gawin sa gitna ng problema ng buong mundo sa COVID-19 pandemic.

Inakusahan ng ilang netizens ang dating sexy star na puro “happy happy” lang ang ginagawa niya at hindi man lang gumagawa ng paraan para makatulong sa mga nangangailangan ngayong panahon ng krisis.

Naka-home quarantine pa rin ngayon si Ellen dahil kababalik pa lang niya sa Pilipinas matapos ang two-week mental training sa Bali, Indonesia. 

At habang naka-stay at home siya, ine-enjoy lang ng ex-partner ni John Lloyd Cruz ang kanyang “quarantine life” kahit pa nga malayo siya sa kanyang pamilya.

Kaya naman ang akala ng lahat ay puro pasarap ang kanyang ginagawa habang naghihirap ang karamihan sa pagsasakripisyo sa pagsunod sa enhanced community quarantine sa bansa.

Sa kanyang Instagram Story, ipinamukha ni Ellen sa mga haters na mali ang inaakala nilang walang ibinibigay na tulong ang kanyang pamilya sa mga apektado ng COVID-19, lalo na sa lugar nila sa Davao.

 “To some haters messaging me about puro lang ako ‘happy happy,’ and I’m not doing anything to help, here is my reply to you.

“@sebastianduterte called me and asked if it was possible to use one of our establishments in Davao and okay na. Solved na,” pahayag pa ni Ellen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending