Tulong pinansyal sa namatay sa COVID-19, price freeze sa punerarya tiniyak | Bandera

Tulong pinansyal sa namatay sa COVID-19, price freeze sa punerarya tiniyak

Leifbilly Begas - March 25, 2020 - 04:40 PM

MAY matatanggap na tulong pinansyal mula sa gobyerno ang pamilya ng pumanaw sa coronavirus disease 2019.

Bukod dito, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na inaatasan ng Inter Agency Task Force ang Department of Interior and Local Government at mga lokal na pamahalaan na magpasa ng ordinansa upang magpatupad ng price freeze sa mga purenarya.

“The LGU may release issuances or ordinances to put a price cap or impose a price freeze on funeral services located in their jurisdiction,” ani Nograles.

Ayon kay Nograles ang isang local government unit ay dapat na tumukoy ng funeral service facilities na gagamitin sa mga pasyenteng namatay sa COVID-19. Tutulong ang LGU sa gastos ng purenarya sa gasolina, pasuweldo at iba pa.

Ang mga LGU at DILG ay inatasan din na magparusa sa mga funeral services na tatanggi na magbigay ng serbisyo sa namatay sa COVID-19.

Sinabi naman ni DILG Sec. Eduardo Año na nagpalabas na ng Memorandum Circular ang kanyang ahensya sa mga LGU upang matukoy na ang mga funeral services na gagamitin sa cremation at paglibing ng mga nasawi sa COVID-19.

“Kung siya naman ay isang Muslim dapat ito ay ilagay sa isang airtight sealed bag at within 12 hours at the presence of an Imam who will do the Muslim rites dapat mailibing din siya kaagad to the nearest Muslim cemetery,” ani Año.

Ang Department of Social Welfare and Development ay inatasan na bumuo ng funeral support fund para sa mga mahihirap na mamamatay sa naturang virus.

Ayon kay Nograles bibigyan ng P25,000 ang pamilya ng bawat nasawi ito man ay nagpositibo sa COVID-19 o isang Person Under Investigation naka-home quarantine man o naka-confine sa pribado o pampublikong ospital.

Bibigyan naman ng exemption ang mga empleyado ng purenarya upang makapaglabas at pasok ang mga ito sa quarantine checkpoint.

“Funeral services staff and personnel are granted exemptions from the imposed ECQ. The said individuals may freely move and travel to ensure that the remains of deceased individuals will be given proper funeral services,” ani Nograles. “Funeral companies are directed to provide transportation and/or housing accommodation for funeral service staff.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending