P250B-P400B pondo magagamit ng gov’t vs COVID-19
TINIYAK ng Palasyo na aabot sa P250 bilyon hanggang P400 bilyon ang pondong magagamit ng gobyerno kontra coronavirus disease (COVID-19) matapos pirmahan ang Bayanihan to Heal as One Act o Republic Act No. 11469.
Sa isang briefing, sinabi ni Inter-Agency Task Force (IATF) spokesperson Karlo Nograles na sa ilalim ng RA 11469, libre ang pagpapagamot ng mga Pinoy na tatamaan ng COVID-19.
Idinagdag ni Nograles na inihahanda na rin ang listahan ng 18 milyon na mabibiyayaan ng P5,000 hanggang P8,000 ayuda mula sa gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.