Willie nagpahatid ng tulong sa katutubong mangyan: Napakahirap ng kalagayan nila ngayon | Bandera

Willie nagpahatid ng tulong sa katutubong mangyan: Napakahirap ng kalagayan nila ngayon

Cristy Fermin - March 25, 2020 - 01:23 PM

WILLIE REVILLAME

KANI-KANYANG paglilibang na lang sa kanilang mga sarili ang ginagawa ngayon ng mga personalidad habang nakapailalim ang bansa sa enhanced community quarantine.

Wala silang pamimilian, kailangan nilang manatili sa loob ng kanilang mga tahanan, bawal lumabas lalo na kung hindi naman talaga kailangan.

May mga artistang mas napaghuhusay ang kanilang talento sa pagluluto. Meron ding nakababad sa kanilang gadget at pinalilipas ang panahon sa pakikipagkomunikasyon nang malayuan sa kanilang mga mahal sa buhay.

At napakahalaga ngayon para sa kanila ng social media. Nakikilahok sila sa mga usapin, nagbabahagi sila ng panalangin sa publiko na sana, sana nga ay matapos na ang krisis na bumabagabag sa atin ngayon.

Si Willie Revillame, na pinag-abutan ng lockdown sa kanyang beach house sa Puerto Galera, ay nagpairal pa rin ng kanyang naturalesa sa pagtulong sa mga katutubong Mangyan.

Nasa mahabang enhanced community quarantine siya ngayon kasama ang kanyang staff, pero ginawa pa rin niya ang nakasanayan na niyang pagtulong, hinahanap ‘yun ng kanyang sistema.

Sabi niya sa aming pag-usap, “Tayo kasi, kahit paano, e, malalampasan natin ang matinding crisis na ito. Meron tayong mahuhugot.

“Pero paano ang mga manggagawa na pinagbawalang makapagtrabaho ngayon, paano sila na kada araw lang ang suweldo, paano na ang mga pamilya nila?

“Napakahirap ng ganu’n para sa kanila. Tama at nararapat ang payo ng DOH at ng ating gobyerno, para huwag na tayong mahawa at makahawa pa ng virus, kailangang manatili na lang tayo sa bahay.

 “Pero madali lang kasing sabihin ang ganu’n, tanggap natin ang sitwasyon, pero paano ang pang-araw-araw nilang pamumuhay? Paano ang kalam ng sikmura ng mga umaasa lang sa kanila?

Mahirap ang ganito, mahaba ang sakripisyong gagawin natin, pero para naman sa mas nakararami ang lockdown na ito para makaligtas tayo sa virus,” makabuluhang komento ng aktor-TV host.

* * *

Mahigit na isang linggo na naming hindi nakikita ang kalangitan ngayon. Walang radyo, kanselado ang mga live shows, mga programang pambalitaan lang ang sumasahimpapawid ngayon sa Radyo Singko.

Malinis na malinis at napakabango na ng lahat ng mga sulok ng aming bahay, ano pa ba ang puwede nating gawin sa mga panahong ito kundi ang maglinis nang maglinis, ang mapanatiling ligtas tayo sa pagkalat ng virus?

Nakapaninibago ang kapaligiran, nakakaburyong ang maghapon lang na nasa bahay, lalo na kung nasanay tayo sa malayang pagkilos na hinihingi ng ating trabaho.

Pero pasasaan ba’t matatapos din ang ating pagdurusa, kung sa China nga na pinagmulan ng COVID-19 ay may kaayusan na ang kundisyon ngayon, tayo pa ba naman ang mapag-iiwanan?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Taimtim na dasal lang. Dobleng pag-iingat at pagiging masunurin ang armas natin sa labang to.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending