TINATAYANG P10 milyong halaga ng ari-arian ang natupok sa sunog na tumagal ng anim na oras sa Quezon City nitong Martes.
Nagsimula ang sunog sa apat na palapag na gusali sa 108 Kaingin Road, Brgy Apolonio Samson alas-4:40 ng hapon.
Ang gusali ay pagmamay-ari ni Betty Lim at inuukupa ng Blims General Merchandise.
Mabilis na kumalat ang apoy kaya iniakyat ng Bureau of Fire and Protection ang alarma sa Task Force Bravo.
Idineklara itong fire under control alas-7:30 ng gabi at naapula alas-10:40 ng gabi.
Walang napaulat na nasawi at nasaktan sa sunog na ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.