Angel Locsin ikinumpara kay Mother Teresa: Lagi kang nandiyan para tumulong
NANG manawagan si Angel Locsin sa mga kakilala at kaibigan na mag-donate ng kama para sa health workers ay nagdagsaan agad ang tulong, base na rin sa ipinakita niyang video sa social media.
Ang daming nagtanong kung saan ipinatayo ni Angel ang tents na tutuluyan ng health workers kaya inalam ko ito sa common friend namin ni Angel at aniya, sa Taguig City daw ito.
Kaya masuwerte ang health workers sa Taguig pati na rin ang frontliners sa ilang bahagi ng Makati City.
Ito ang naisip ng aktres para matulungan ang health workers na nahihirapang pumasok at umuwi sa kani-kanilang bahay dahil sa kawalan ng masasakyan.
Ipinakita rin sa video ang tents at trailer trucks na may banyo na talagang dini-disinfect pa para masigurong malinis at ligtas sa anumang virus.
Post ni Angel sa kanyang Instagram account kasama ang future husband na si Neil Arce, “Operation Day 2 with my rock. #HealTheWorld.”
Habang tinitipa namin ang balitang ito ay umabot na sa mahigit 207K likes at 1,300 comments ang post ng aktres na pawang positibo. Pinaalalahanan din ng netizens sina Neil at Angel na mag-ingat din dahil baka sila naman daw ang malagay sa alanganin.
May nakapasin ding netizen na hindi surgical mask ang gamit nina Angel at Neil sa pagbibigay ng tulong kaya pinayuhan sila ni @crizzyjoe, “Pls be careful of using masks how to use and remove it remember its a fitter meaning there’s a lot of microbes already accumulate in that masks.
“SO DON’T TOUCH IT when you remove alcoholize 1st ur hand and touch the string one at the side then alcohol hands again after removing masks PROTECTION AND PREVENTION is better than cure.”
Sagot naman ni Angel sa kanya, “I know, ibinigay ko na lang po sa mas nangangailangan.”
Samantala, inihambing naman si Angel kay Mother Teresa ni @maryannmiranda_usa. Aniya, “You are the young Mother Teresa, you are always there to lend a helping hand meron man o walang calamities dinaig mo pa ang mga me posisyon or katungkulan sa government sa pagtulong sa kapwa.
“Yung ibang me posisyon na matataas na nagtatago sa kanilang bahay (hypocrites). Kapag panahon ng kampanya, ang gagaling mangapit bahay, nasaan na sila ngayon?
“Meanwhile, here you are todo hirap sa pagtulong sa lahat. Hija, ingatan mo ang sarili mo, please don’t get sick.
“Thank you @neil_arce for being a good husband, to be supportive to Angel in the sky. Your kindness is contagious, keep inspiring others! Luv you Angel!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.