Yearbook ‘hu-quote’ ni Vico Sotto bentang-benta sa netizens
BENTANG-BENTA ngayon sa mga netizens ang kumakalat na yearbook photo ni Pasig City Mayor Vico Sotto.
Viral ngayon ang Facebook post ng isang Beatrice Marie Achacoso kung saan makikita ang litrato ng alkalde ng Pasig noong nag-aaral pa ito sa Ateneo de Manila University.
Hindi lang ang “cute photo” ni Vico ang pinusuan at ni-like ng netizens kundi pati ang quote na nakasulat sa kanilang yearbook na, “Vico Sotto does not believe in write-ups.”
“Someone sent me this treasure. From his college yearbook. Haha. Happy quarantine, people! |
“Update: Since this post is trending, may shameless plug po ako. I think Vico won’t mind. Please spread the word on the link below in support of our workers and laborers being abused at this time of crisis.
“No work-no pay? Sudden termination? Reduced wages? Report a company or sign in solidarity with workers at tinyurl.com/workerscovid19,” ang nakasulat sa FB status ng netizen.
Habang sinusulat namin ang balitang ito, libu-libong likes and shares na ang nahamig ng Facebook post na ito.
Bago ito, naging isa sa mga top trending topic din sa socmed ang fan-made video ni Vico habang sumasayaw ng “Psycho”, ang hit song ng Korean girl group na Red Velvet.
Sa mga hindi pa nakakaalam, nagtapos ang anak nina Bossing Vic Sotto at Coney Reyes ng Political Science degree sa Ateneo de Manila University (Batch 2011). Nagtapos din siya ng postgraduate degree sa Ateneo School of Government (2018).
Maingay ngayon ang pangalan ni Vico dahil sa tinatanggap na papuri mula sa madlang pipol dahil sa tripleng effort na kanilang isinasagawa sa Pasig para labanan ang COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.