Pakiusap ni Alden Richards sa publiko: Wag po tayong magsinungaling, be honest | Bandera

Pakiusap ni Alden Richards sa publiko: Wag po tayong magsinungaling, be honest

Ervin Santiago - March 25, 2020 - 09:01 AM

ALDEN RICHARDS

“HUWAG na huwag magsisinungaling!” 

Yan ang mensaheng nais iparating ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa publiko para maiwasan at makontrol ang pagdami pa ng COVID-19 cases sa bansa.

Nakikiisa si Alden sa panawagan ng 

Department of Health at ng mga frontliners na sabihin ang buong katotohanan tungkol sa kanilang travel at medical history sa mga  doktor sa patuloy na pakikipaglaban ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic.

Sa pamamagitan ng isang video, nagbigay ng public service announcement si Alden sa kanyang Instagram account kung saan pinaalalahanan niya ang bawat Filipino na bawat impormasyon tungkol sa ating kalusugan ay mahalagang ipaalam sa mga health workers.

“Hinihikayat po tayo ng Department of Health na sana po maging totoo po tayo, maging honest po tayo sa mga tanong, question, at requirements po para malaman natin kung positibo ba tayo o hindi sa COVID-19.

“Please disclose every travel history, exposure to the virus, kung meron man po kayong nakahalubilo o nakasalamuha na merong sakit, na merong COVID-19.

“Sana po ay ipagbigay-alam po natin ito agad sa mga kinauukulan. Kasi hindi lang po buhay ninyo ang maaaring mailigtas, makakapagligtas pa po kayo ng maraming kababayan natin,” mensahe ni Alden.

Bukod kay Alden, ilang celebrities din ang nanawagan sa sambayanan na maging honest sa tunay na estado ng ating kalusugan para mas mapadali ang pagsugpo sa COVID-19, kabilang na riyan ang Descendants Of The Sun stars na sina Dingdong Dantes at Rocco Nacino.

Ito’y bilang pakikiisa na rin sa pakiusap ng mga doktor, nurse at iba pang health care workers na nalalagay sa peligro ang buhay dahil sa mga maling impormasyon na nakukuha nila mula sa mga pasyenteng positibo pala sa virus.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending