Bayani Agbayani biglang naging Finance Usec; Defensor na-wow mali! | Bandera

Bayani Agbayani biglang naging Finance Usec; Defensor na-wow mali!

Ervin Santiago |March 24,2020
facebook
share this

Bayani Agbayani biglang naging Finance Usec; Defensor na-wow mali!

Ervin Santiago - March 24, 2020 - 10:16 PM

TRENDING ang komedyanteng si Bayani Agbayani matapos tawagin ng netizens bilang “bagong finance undersecretary.”

Mabilis na kumalat sa social media ang isang video kung saan mapapanood ang pagtawag ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor ng Bayani Agbayani kay Finance Undersecretary Bayani Agabin.

Nangyari ito sa ginanap na special session ng Kamara last Monday habang nagsasalita si Defensor sa podium. Aniya, “Kay Undersecretary Bayani Agbayani ng Finance…” na agad namang kinorek ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

“Ay, Agabin! Thank you, Mr. Speaker. Bayani Agbayani ba nabanggit ko?” natatawang pahayag ni Defensor. Dugtong pa niya, “I apologize, Mr. Speaker.” 

Pinagpiyestahan naman ng netizens ang nasabing video kaya mabilis na kumalat hanggang sa mag-trend na nga ang pangalan ni Bayani Agbayani sa Twitter.

May ilan pa ngang nag-congratulate sa komedyante dahil sa pagkakatalaga sa kanya bilang bagong finance undersecretary. Ayon naman sa ibang nag-comment kahit paano’y napatawa at naaliw sila sa “Wow Mali” moment ni Cong. Defensor.

Samantala, ilang oras lang ang nakalipas nag-post sa Instagram ang kongresista para mag-sorry kina Bayani at Agabin.

Aniya sa caption ng collage ng litrato nilang tatlo, “Apologies to my friends Usec Bayani Agabin and Bayani Agbayani for mixing their names in today’s session to raise 200B for the govts fight against COVID 19 virus. #apologies #BayaniAgbayani #BayaniAgabin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending