Banat ni Angel Locsin sa epal na basher: Sige, try mong maghatid ng tulong mag-isa...Good luck! | Bandera

Banat ni Angel Locsin sa epal na basher: Sige, try mong maghatid ng tulong mag-isa…Good luck!

Ervin Santiago |March 24,2020
facebook
share this

Banat ni Angel Locsin sa epal na basher: Sige, try mong maghatid ng tulong mag-isa…Good luck!

Ervin Santiago - March 24, 2020 - 07:41 PM

BINUWELTAHAN ni Angel Locsin ang ilang netizens na walang ginawa kundi ang mangnega sa social media sa gitna ng pakikipaglaban ng buong mundo sa COVID-19.

Hindi nagustuhan ng Kapamilya actress ang ginagawang pagkukumpara ng ilang tao sa isinasagawang relief efforts ng mga celebrities para makatulong sa mga direktang naapektuhan ng enhanced community quarantine. 

Isa si Angel sa mga artistang walang sawang nagpapaabot ng tulong sa mga kababayan nating nawalan ng trabaho pati na sa mga frontliners.

Aminado ang aktres na hindi lang sa kanya nanggagaling ang ipinaaabot niyang tulong ngayon, marami siyang mga kasamahan sa showbiz na nagdo-donate sa kanyang relief operations.

Kamakailan, ibinandera ni Angel na sisimulan na nila ang pagbibigay ng tulong sa health workers na nasa frontline.

“We, with the assistance and recommendation of the local government, are setting up sleeping tents within hospital premises for our health workers in the frontlines so they don’t have to worry about where to stay & transportation,” pahayag ng aktres.

Pinangalanan din ng aktres ang ilan sa mga nag-donate ng taping beds para ipamigay sa ilang medical staff, kabilang na riyan sina Vice Ganda, Bea Alonzo, Anne Curtis, Angelica Panganiban, Paulo Avelino, Ryza Cenon at marami pang iba.

Pero kahit nga tumutulong ka na, may mga tao pa ring namba-bash sa mga artistang nag-e-effort. Tulad nga ng ilang netizens na nagkukumpara sa mga artista at mga politiko.

May nagkomento na bakit daw kailangan pang humingi ng tulong ang grupo nina Angel sa mga local government at mukhang hindi ito nagustuhan ng fiance ni Neil Arce.

Tweet ng Kapamilya star, “In times like these, let’s stop comparing help from regular citizens and government.

“To be honest, based on my experience, it would be VERY hard to help without the assistance of government.

“So, Thank you to our local officials for assisting us and risking their lives as well.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod dito, hindi rin pinalampas ni Angel ang netizen na pumuna sa paraan ng paghahatid niya ng tulong. Burado na ang tweet ng basher pero mababasa pa rin ang reply sa kanya ng aktres.

 “Sige try mong umikot ngayon at maghatid ng tulong magisa. Good luck,” pahayag ng dalaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending