Sara Duterte nanawagan sa mga 'senior' doctors: Stay home, telemedicine na lang | Bandera

Sara Duterte nanawagan sa mga ‘senior’ doctors: Stay home, telemedicine na lang

- March 24, 2020 - 06:51 PM

Delikado umano ang mga senior doctors at health professionals kapag nahawa ng coronavirus disease 2019 kaya umapela si presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte Carpio na huwag nang pumunta sa ospital ang mga ito.

Inamin ni Duterte-Carpio na nangangamba sila sa kaligtasan ng kanilang mga health workers na humaharap sa panganib sa pagganap sa kanilang sinumpaang tungkulin.

“I am asking senior doctors to stay at home. They can entrust the job to younger doctors no matter how limited our doctors are right now,” ani Duterte-Carpio.

Ayon sa Department of Health ang mga may edad at may mga sakit bago tamaan ng COVID-19 ang pangunahin sa hindi nakarerekober rito.

Maaari pa rin umanong makatulong ang mga may edad na doktor sa pamamagitan ng pagsagot sa tawag ng mga nangangailangan sa ilalim ng phone-based health program ng lokal na pamahalaan.

Binuksan ng siyudad ang telemedicine system sa ilalim ng Central 911 kung saan maaaring tumawag ang mga residente na nais na humingi ng professional medical advice ng hindi pumupunta sa clinic o ospital.

“If you are a doctor and a senior citizen, I suggest you stay home and enroll to the telemedicine program,” saad ng alkalde.

Makatutulong din umano ito upang maiwasan ang siksikan sa mga pagamutan.

“If your medical concern is not severe or an emergency, just call 911 instead of going to a hospital.”

Kung kakailanganin ng pasyente na uminom ng gamot, siya ay padadalhan ng text message ng 911 na maaaring ipakita sa mga pharmacy. Kinausap na ng lokal na pamahalaan ang mga pharmacy upang kilalanin ang text prescriptions na mula sa 911.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending