VIRAL ngayon ang post ni Erla Mae (@_erlamaee) sa Twitter sa nangyaring pambabastos sa kanya ng mga pulis sa Bagumbong Brgy. 171, Caloocan City.
Ayon sa kanyang salaysay sa INQUIRER BANDERA, March 22 unang nangyari ang insidente. Lumabas ng bahay si Erla para bumili ng gamot ng kanyang nanay.
Sa tapat ng kanilang subdivision ang checkpoint. Noong una ay pinabalik muna siya para pag-suotin ng face mask na kanya namang ginawa.
Pagkabalik niya ay dito na siya kinuwestyon ng mga nasa checkpoint.
“Pagkarating ko po ulit doon, tinanong po ako kung ano daw po ba ang gagawin ko sa labas, sinabi ko pong bibili ako gamot, tinanong niya po para saan, sinagot ko naman po na para sa stroke and diabetes (for my mom), then tinanong niya po ko kung saan ako nag-aaral, ilang taon na ako. Tinanong pa po ako kung single pa ako. Sinagot ko po lahat. Sinabi ko rin pong may boyfriend ako. Pagkatapos nun, binigay na po niya sakin lisensya ko, tapos sabi niya, wag ko daw po muna buksan kasi may pasalubong na laman.” aniya.
Ang ‘pasalubong’ pala na sinasabi ay cellphone number.
“Sa totoo lang, pagkarating ko sa Mercury Drug, tinignan ko yung lisensya ko, akala ko kasi cash yung “pasalubong” kasi sinabi ko bibili ako ng gamot ng nanay ko pero yun pala, personal mobile number niya.”
March 23 naman ay naulit uli ang pangyayari.
“So lumabas po ulit ako, ganun pa rin, naka-helmet and face mask, pinakita ko quarantine pass + lisensya ko. PERO, pinalapit pa ko nung sundalo sa kanya, na NAKAUPO sa loob ng tent. Nakamotor po ako. So pinasok ko po yung motor ko sa mismong tent para lang maabot sa kanila yung lisensya at quarantine pass ko kasi nakaupo sila. Inabot ko po sakanila yung lisensya + quarantine pass. Tas nagbulungan sila, tinanong kung ilang taon na ako, sinagot ko po.
Pilit din daw pinatatanggal ang kanyang face mask at helmet na pinagtatakhan nya dahil hindi naman ito pinagawa noong mga unang beses na dumaan siya sa checkpoint.
Pagkatapos po, pinatanggal naman face mask ko (na hindi pinagawa nung unang labas ko), tapos tiningnan nilang dalawa yung mukha ko. Tapos pinatanggal naman nila sunod yung helmet ko. Para saan? Kailangan na uminom ng gamot ng nanay ko, tanghaling tapat pa, ang init, pinapatagal nila ako dun sa tent. So sinagot ko po sila, “ano ba yan”, sa pabirong tono. Tas sinagot po ako nung isang sundalo, “Anong ano ba yan? O bakit? Pulis ako ah!” Tinanggal ko nalang po helmet ko para matapos na. Binalik na po yung quarantine pass saka lisensya ko after nun.”
https://twitter.com/_erlamaee/status/1241972995314208769
Nanawagan din naman ang actress na si Bela Padilla sa official hotline ng PNP
Noong 2019, pinirmahan ni President Duterte ang Republic Act 11313 o ang Safe Spaces Act na pinaparusahan ang catcalling at mga gender-based harassment sa public spaces. Kasama dito ang catcalling, wolf-whistling, unwanted invitations, misogynistic, transphobic, homophobic and sexist slurs, persistent uninvited comments or gestures on a person’s appearance; relentless requests for personal details, statement of sexual comments and suggestions; public masturbation or flashing of private parts, groping, o kahit anong unwanted advances.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.