Special powers versus Covid-19 ibinigay ng Kongreso kay Duterte
BINIGYAN ng special powers ng Kongreso si Pangulong Duterte ngayong nahaharap ang bansa sa health emergency dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Inaprubahan ng Kamara Martes ng madaling araw ang aprubadong bersyon ng Senado ang Bayanihan to Heal as One Act, na nagbibigay sa pangulo ng special powers ngayong nahaharap ang bansa sa krisis pangkalusugan.
Sa ipinasang batas, maglalaan ng emergency subsidy ang pamahalaan para sa 18-milyon na low-income families sa bansa. Pagkakalooban ang mga ito ng P5,000 hanggang P8,000 subsidiya sa loob ng dalawang buwan.
Makatatanggap din ang mga pampubliko at pribadong health workers na infected ng virus ng compensation ng P100,000.
Financial aid na P1 million ang ibibigay naman sa mga pamilya na nahawaan ng sakit at namatay habang nasa duty.
Ang mga establisimyentong ay gagamitin para sa housing ng mga health workers, quarantine facilities, medical relief and aid distribution locations.
Maaari rin i-direct ng pangulo ang operasyon ng public transportation na siyang magdadala ng health, emergency, and frontline personnel.
May kapangyarihan din ang pangulo na i-require ang mga negosyo na bigyang prayoridad at tumanggap ng kontrata para sa delivery ng mga pangunahing pangangailangan sa gitna ng health emergency at mapabilis ang pagbili ng mga medical equipment.
Kasalukuyang nasa 501 na ang kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.