'Pantawid ng Pag-ibig' virtual concert ng ABS-CBN kumita ng P236M; AshMatt, Vice bentang-benta | Bandera

‘Pantawid ng Pag-ibig’ virtual concert ng ABS-CBN kumita ng P236M; AshMatt, Vice bentang-benta

Alex Brosas - March 23, 2020 - 07:27 PM

PURING-PURI ang performance nina Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo sa “Pantawid ng Pag-ibig” event ng ABS-CBN last Sunday.

Waging-wagi ang duet nila ng “You Are The Reason”. Ang daming nagulat to see Matteo sing. 

Ang akala yata nila ay hindi singer ang actor kaya naman surprised na surprised sila dahil slightly ay nakipagsabayan pa sa pagbirit ang dyowa ni Sarah.

Si Sarah ay puring-puri rin ng netizens dahil sa kasimplehan nito. Parang wala siyang make-up kaya lutang na lutang ang beauty nito.

“Lakas makahugot ng version nila. Kinilig ako siguro dahil angkop yung kanta sa pinagdaanan nila. Love this couple! Wishing them lots of blessings and happiness.”

“Awwwweee Matteo can sing pala in fairness naganda boses nya.”

“Just love these two, ramdam ang love nila sa isa’t isa!”

“In fernez kaya pagsabayan si Matteo ang concert queen wifey niya! Sobrang good vibes ng mag asawa ito!”

“Perfect combination. God bless you both. Well done sa inyong performance.”

VICE GANDA

Samantala, nakalikom ng more than P236 million na donasyon ang “Pantawid ng Pag-ibig” ng ABS-CBN kung saan nag-perform din sina Vice Ganda, Liza Soberano and Enrique Gil, Apl.de.Ap, Gary Valenciano and many others.

Isa sa mga inabangan ng viewers ay ang performance ni Vice with “Corona Ba-Bye Na” na bentang-benta sa madlang people.

Tweet ni Vice after the performance, “Corona Ba-Bye Na composed, recorded, filmed and edited in one day. Hahahhaha!!!!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakakaaliw ang lyrics ng kanta ni Vice na very timely talaga tulad ng, “Ay, naku, Corona! Oh Corona, bakit okray ka? Veerus man o virus ang tawag sa ‘yo, sino ka ba?

“Ang bet naming korona, kay Pia lang at Catriona. Kaya sa universe, lumayas ka Corona ba-bye na, di ka namin bet sa Earth.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending