‘Ginusto nila 'yan, huwag nang magreklamo na nabababoy sila!’ | Bandera

‘Ginusto nila ‘yan, huwag nang magreklamo na nabababoy sila!’

Cristy Fermin - August 08, 2013 - 03:00 AM


Ibinebenta na ngayon sa mga kalye ang makasaysayang sex video nina Chito Miranda at Neri Naig. At mabentang-mabenta ‘yun, sa Tomas Morato nga kung saan naglipana ang nagbebenta ng mga piniratang DVD ay lantaran na kung ibenta ang kanilang sex video, pasigaw nang iniaalok ‘yun at hindi na pabulong.

Napakalaking kahihiyan nito para kina Chito at Neri. Lalo na para sa babae, dahil siya ang ipinakikita du’n na napakasipag, habang nakahilata lang ang kanyang kaparehang lalaki na paminsan-minsan lang kung kumilos.

Ilang beses mang manghingi ng dispensa si Chito sa paglabas ng kanilang sex video ni Neri ay nagmarka na ‘yun, hindi na nito mababawi pa ang kanilang binitiwang paghusga ng husgado ng bayan, habampanahon na silang matatandaan ng sambayanang Pinoy bilang magkarelasyong iresponsable.

Buhay na buhay pa rin ang kulturang Pinoy na ang pakikipagsiping at ang aksiyong ginagawa ng isang magkapareha bilang manipestasyon ng kanilang pagmamahalan ay ginagawa lang sa apat na sulok ng kanilang pribadong kuwarto.

Sila lang ang nagkakaalaman, sila lang ang saksi, hindi ibinubuyangyang sa mga mata ng ibang tao. Lalong hindi ipinasisilip sa publiko na tulad ng nangyari kina Chito at Neri.

Nawala raw kasi ang kanilang hard drive? Kalokohan! Kung nirerespeto nila ang kanilang mga sarili, kung totoong nagmamahalan sila nang sinsero at nagbibigay-galang sa isa’t isa, di sana’y walang lumutang na sex video na nagtatampok sa kanilang dalawa habang magkaulayaw?

Ginusto nila ‘yan, huwag silang magreklamo ngayon kung nakakatikim man sila ng mga kababuyang komento mula sa ating mga kababayan, ‘yun lang talaga ang maaasahang senaryo sa ginawa nilang aksiyon.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending