Mass testing ng COVID-19 isinulong | Bandera

Mass testing ng COVID-19 isinulong

Leifbilly Begas - March 22, 2020 - 05:07 PM

HINDI umano malalaman ang totoong bilang ng mga nahawa ng coronavirus disease dahil hindi naman nagsasagawa ng mass testing sa bansa.

Ayon kay ACT Rep. France Castro sinabi ng World Health Organization na mapipigilan lamang ang pagkalat ng COVID-19 kung matutukoy ang mga nahawa nito at malalaman lamang kung nahawa ang isang tao kapag tinesting ito.

“We hope that this will not be taken as alarmist, but our numbers of COVID cases and deaths could be higher, since the data reported by DOH only come from those who could go to the hospitals and get themselves tested.  Marami tayong kababayan na hindi kinakayang magpa-ospital kahit public, at mayorya ng mga ospital at health institutions natin ay walang kapasidad to test for COVID,” ani Castro.

Sinabi ni Castro na kailangan magpatupad ng malawakang testing na libre.

“Dapat nating kunan ng aral ang best practices sa South Korea at Malaysia na nagsagawa ng malawakang testing,” ani Castro.

Kahit hindi umano nagpatupad ng lockdown sa South Korea ay napigilan nito ang pagkalat ng virus matapos itest ang 270,000 katao.

“Ang Malaysia, napakababa ng bilang ng COVID deaths, partly dahil nagtalaga ito ng at least 59 ospital para sa testing.  Batay sa experience ng mga bansang ito, ang malawakang testing ay makakatulong sa pagtukoy ng clusters at community spreads, o mga lugar na may konsentrasyon ng COVID cases, at masimulan ang contact tracing and quarantining mula rito.”

Kailangan umanong suportahan ng gobyerno ang mass production ng mga testing kits na nagawa ng University of the Philippines Manila National Institutes of Health at Philippine Genome Center na mura kumpara sa imported.

“If the administration throws more funding support for our scientists, we will make testing available faster and cheaper, and for a greater number of people,” dagdag pa ng lady solon. “In fact, testing should be free in public hospitals for all those who show COVID symptoms.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending