Lovi: Maswerte tayong nasa bahay lang…mga frontliner buwis-buhay
Nagbahagi rin ng tips sa kanyang Instagram followers si Kapuso star Lovi Poe kung paano gagawing makabuluhan ang pagpalipas ng oras sa kani-kanilang tahanan habang ipinatutupad ang enhanced community quarantine sa bansa.
Ayon kay Lovi, panahon na raw ito upang linisin ang makalat na gallery ng ating mga cellphone, magbasa ng libro na matagal nang isinasantabi, gumawa ng smoothies at mga masustansiyang inumin, linisin ang closet at makipaglaro sa ating mga alagang pets na siguradong pangontra-anxiety attacks.
Sa huli, pinaalalahanan din ni Lovi ang lahat na mag-ingat sa panahon ngayon na may lumalaganap na sakit. Hindi rin nakalimutan ng Kapuso actress na pasalamatan at ipagdasal ang mga frontliners na patuloy na nakikipaglaban sa pandemic na ito.
“We’re lucky we get to stay at the comfort of our homes while they’re making a huge act of love for everyone with their selflessness and service,” aniya.
Samantala, mapapanood muli si Lovi sa upcoming romance-comedy ng GMA Public Affairs na Owe My Love kung saan makakatambal niya si Benjamin Alves.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.