7 sundalo sugatan sa pagsabog sa Maguindanao | Bandera

7 sundalo sugatan sa pagsabog sa Maguindanao

John Roson - August 07, 2013 - 04:44 PM

PITONG sundalo ang sugatan nang sumabog ang isang improvised explosive device (IED) sa Shariff Saydona, Maguindanao, Miyerkules ng umaga, ayon sa mga awtoridad. Naganap ang pagsabog habang dumadaan ang grupo ng mga kawal sa Brgy. Nabundas sakay ng military vehicle, sabi ni Maj. Gen. Romeo Gapuz, commander ng Army 6th Infantry Division. Ang mga kawal, na sakay ng KM250 truck at V150 armored vehicle, ay nagsasagawa ng “law enforcement operation” nang maganap ang pagsabog dakong alas-9:35, sabi naman ni Col. Dickson Hermoso, tagapagsalita ng 6th ID, sa isang text message. Nagtamo ng bahagyang pinsala ang mga kawal na sakay ng trak at nakabalik na sa kanilang unit para muling sumali sa law enforcement operation laban sa “auxiliary threat group” sa Shariff Saydona Mustapha, aniya pa. Ang mga sugatang kawal ay pawang mga kasapi ng 12th Mechanized Company na pinamumunuan ni Capt. Victor Valdemor, ayon naman kay Senior Supt. Rodelio Jocson, direktor ng Maguindanao provincial police. Matatandaan na noong nakaraang Martes (Hulyo 30), nakatagpo ang mga sundalo ng dalawang IED, na tinanim diumano ng mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa National Highway ng Maguindanao, habang nakikipagsagupa sa rebeldeng grupo. Dahil sa mga sagupaa’t pagkatagpo ng mga IED, napilitan ang mga awtoridad na isara ang kalsada sa mga motorista nang ilang oras. Sakabila nito, hindi pa rin tiyak ng militar na kagagawan ng BIFF ang insidente.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending