outbrain

Mocha Uson blog sa FB tsinugi; mga tagasuporta ni Vico Sotto ‘nag-party’

March 21,2020
share this

Mocha Uson blog sa FB tsinugi; mga tagasuporta ni Vico Sotto ‘nag-party’

March 21,2020
share this

 

NAGPIYESTA ang netizens sa social media lalo na ang mga galit na galit kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) deputy administrator Mocha Uson matapos matsugi sa Facebook ang kanyang blog.

Hindi na mahanap ngayon sa FB ang Mocha Uson Blog (MUB) na may mahigit limang milyong followers na pinaniniwalaang sinuspinde muna ng Facebook dahil sa reklamo ng madlang pipol.

“Sorry, this content isn’t available right now” lang ang mababasa kapag pinuntahan ang kanyang FB page.

Ito’y matapos ngang kumalat ang balita na may panawagan ang mga anti-Mocha Uson sa Twitter na ipa-take down ang kanyang blog kasabay ng pagiging number one sa Twitter (worldwide) ng hashtag na “#MochaUsonIsOverParty“.

Mabilis na nag-trend ang nasabing hashtag dahil sandamakmak na netizens ang nag-post at nag-share ng screenshots kung paano ire-report ang kanyang Facebook blog. 

Isa ang “hate speech” sa mga rason ng pagre-report.

Ilang oras bago mawala ang MU Blog, ipinaalam na ni Mocha sa milyun-milyon niyang followers na baka pansamantala munang mawala ang account niya dahil nalaman nga niya ang planong mass reporting ng mga “troll.”

Sey ng dating sexy singer-actress, “Napag alaman po natin na may planong sabay sabay na irereport itong page ng MUB ng mga troll.

“Kung sakaling mawala po ang ating page, sa BANAT By page po muna ako magpopost. Maraming Salamat po,” na ang tinutukoy ay ang FB page ng manager niyang si Byron Cristobal.

Hanggang ngayon ay trending topic pa rin sa Twitter ang hashtag #MochaUsonIsOverParty. Isa sa mga celebrity na nagkomento sa pagtanggal sa blog ni Mocha ay ang dating presidential son na si Jake Ejercito gamit din ang nasabing hashtag.

Ni-repost ni Jake ang kanyang tweet noong June, 2018 kung saan matapang niyang sinabi na, “Mocha Uson is garbage.” Nilagyan niya ito ng bagong caption na, “Still true today.”

Ang pagre-report ng madlang pipol sa FB page ni Mocha ay nangyari matapos nitong i-repost ang negatibong komento ng BANAT By laban kay Pasig Mayor Vico Sotto 

“Eto yung sinasabi ko eh. Kaya ng ibang lugar bakit eto si Mayor Sotto pabebe? Bukas paguusapan natin ito. Papaliwanag ko kung bakit sablay ang pabebe ni Sotto. Pero ang appeal ko sa DILG bakit parang kayo pa ang nakikiusap sa Mayor? Apply the LAW and be strict parang walang PANDEMIC ah,” ang banat kay Vico na pinalagan ng mga netizens.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending