Mega bilang ina ni KC: Kahit halos sumuka na ng dugo, ginagawa pa rin lahat
NAGPAKATOTOO si Megastar Sharon Cuneta matapos aminin sa madlang pipol na totoong nagkaroon sila ng hidwaan ng anak na si KC Concepcion.
Ayon kay Mega, may pagkakataon na hindi siya nakapunta sa isang special event ng kanyang panganay dahil pareho silang may pinagdaraanan.
Kinumpirma ito ng singer-actress nang may isang netizen ang nakapansin ng hindi niya pagpunta sa launching ng sariling jewelry line ni KC noong 2018.
Comment ng netizen, “I’m sorry pero ngayon ko lang na-observe…’Yung launching ng Avec Moi ni KC, ‘yung pag-study nya ng gemology, sa lahat ng endeavors ni KC hindi ko kasi kayo narinig. So, pasensya na po.”
Hindi naman ito itinanggi ni Mega pero aniya, kahit noong lumalaki pa lang si KC ay super independent na ang dalaga.
Chika ni Sharon, “Sa totoo lang may hidwaan kami nung launch ng Avec Moi. Ayaw din niya ipasabi nung una na nag-aaral siya sa States ng gemology.
“Mula nung maliit siya, kahit wala akong tulog at halos sumuka na ng dugo sa pagod, never ako nakamiss ng kahit anong school activity niya.
“She is very independent kasi. But the downside of that is minsan ‘di ko na alam ang nangyayari sa anak ko dahil ‘di siya nagkukuwento. Late ako lagi makaalam.”
Hirit pa ng Mega, “Now it will be better. Anak ko si KC at walang puwedeng mas may magmahal sa kanya nang higit sa akin.”
Kamakailan, nagpahiwatig si Sharon na okay na uli sila ng anak matapos mag-post ng litrato ni KC at i-promote ang bagong project nito.
Aniya, “Baby #1 has a new YouTube channel. Hope you can all support her.”
Nag-thank you naman si KC sa ina na muling nireplayan ni Mega ng, “You are welcome. I love you no matter what. That will never change. No matter what you do, I have taught you right from wrong and I will always trust in God Almighty in the way I have raised you.
“You are a beautiful person and you shall always be my baby. I will always love you with all my heart even if sometimes we cause each other pain. That’s normal as no one is perfect.
“But the world may turn upside down and the one hand that won’t be letting go of yours even if she falls to her death is your Mama’s.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.